LET Reviewer in General Education
LET Reviewer for General Education |
Piliin ang letra na wastong sagot.
1. Piliin sa mga sumusunod ang hindi naging sagisag ni Marcelo H. Del Pilar.
a. Marcelo
b. Plaridel
c. Piping Dilat
d. Dolores Manapat
2. Ang Urbana at Feliza ay isang akdang nauukol sa kagandahang asal, ang may akda nito ay si _________.
a. Gloria Feliza
b. Padre Modesto de Castro
c. Manuel Dy
d. Padre Bukaneg
3. Siya ang nagtatag ng La Solidaridad.
a. Carlos Ma. Dela Torre
b. Graciano Lopez Jaena
c. Emilio Jacinto
d. Juan Salvador
4. Siya ang kauna-unahang Pilipinong manlilibag, siya ang naglimbag ng Artes Y Reglas dela Lengua Tagala.
a. Padre Blancas
b. Tomas Pinpin
c. Padre Miguel
d. Rizal Adorable
5. Siya ay isang manunulat at makata na nagtatago sa sagisag na Crissot.
a. Juan Crisostomo Sotto
b. Crisostomo Ibarra
c. Pedro Crisostomo Sotto
d. Juan Laya
6. Siya ang nagtatag at patnugot ng Diyaryong Tagalog.
a. Marcelo H. Del Pilar
b. Antonio Luna
c. Juan Luna
d. Juan Laya
7. Siya ang tinaguriang “Makata ng Taong 1969” sa Talaang Ginto ng Surian ng Wikang Pambansa.
a. Rogelio G. Mangahas
b. Virgilio Almario
c. Jose Villa Panganiban
d. Rogelio Sikat
8. Ang Florante at Laura ay isang uri ng ________.
a. Awiting-bayan
b. Awit
c. Pantasya
d. Saynete
9. Ito ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas na ipinalimbag ng Pareng Dominico sa Maynila na si Padre Domingo de Nieva.
a. Panitikan sa Pilipinas
b. Doctrina Christiana
c. Bibliya
d. Arte dela Lengua Tagala
10. Kung ang kundiman ay awit ng pag-ibig, oyayi sa pagpapatulog ng bata, ano naman ang awiting pangkasal?
a. Kumintang
b. Talindaw
c. Soliranin
d. Diona
11. Siya ang kauna-unahang nagsalin sa tagalong ng Noli Me Tangere ni Rizal at siya rin ang nagtaguyod ng pahayagang “El Resumen”
a. Jose Maria Panganiban
b. Julian Felipe
c. Pascual Poblete
d. Emilio Jacinto
12. Ang tulang Pilipino sa panahon ng mga Amerikano ay tumanyag dahil kay Jose Corazon De Jesus na lalong kilala sa taguriang ___________.
a. Joseng Batutek
b. Huseng Batute
c. Jose de Jesus
d. Jesus Batute
13. Siya ay kilala sa sagisag na Tikbalang at Kalipulako. Sumulat din siya ng mga talambuhay at akdang pangkasaysayan.
a. Antonio Luna
b. Mariano Ponce
c. Marcelo H. Del Pilar
d. Pedro Paterno
14. Siya ang may akda ng Luha ng Buwaya, ang pagsamantala ng mayaman sa mahirap.
a. Amado V. Hernandez
b. Julian Cruz Balmaceda
c. Juan Luna
d. Amado Cortez
15. Siya ang tinaguriang “Makata ng Manggagawa” at may akda ng tulang Aklasan.
a. Efren Abueg
b. Florentino Collantes
c. Amado V. Hernandez
d. Carlos Gatmaitan
16. Isa ito sa uri ng mga karunungang bayan kung saan ang mga butil ng karunungan ay hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting anyo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinghaga.
a. epiko
b. tula
c. kasabihan
d. salawikain
17. Isa rin itong uri ng karunungan na may mabisang pag-iisip.
a. kasabihan
b. bugtong
c. pahulaan
d. korido
18. Kilala siyang artista at manunulat sa laranangan ng panitikang Pilipino, ipinanganak siya noong Enero 11, 1905. Isa sa kanyang sinulat ay ang Dalagang Silangan.
a. Atang dela Rama
b. Severino Reyes
c. Angelita Roma
d. Aurelio Tolentino
19. Ito ay galing sa salitang-ugat na titik isang paraan ng pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, edukasyon, pamahalaan at paniniwalang panrelihiyon.
a. Panitikan
b. Panitik
c. Patitikan
d. Romantiko
20. Ito ay isang anyo ng panitikan na kung saan ang mga salita ay isinasaayos na may bilang ang pantig sa bawat taludtod.
a. tula
b. awit
c. sanaysay
d. soneto
21. Ito ay isang aklat na sinulat ni Marcelo H. Del Pilar na nagtanggol sa Noli Me Tangere na tinutuligsa ni Padre Jose Rodriguez.
a. Caiigat Kayo
b. Ang Kadakilaan ng Dios
c. Dasalan at Tocsohan
d. Sagot sa Espana sa Hibik ng Pilipinas
22. Ito ay isang aklat na sinulat ni Graciano Lopez Jaena na inihalintulad ang mga prayle sa mga payat na lamok, nang dumating sa Pilipinas ay tumaba sa pagkain ng papaya at saging.
a. Fray Botod
b. La Hoya del Frayle
c. Mga Kahirapan sa Pilipinas
d. Friar de Botod
23. Ito ay isang nobela na nagpatanyag kay Pedro Paterno at sinasabing kauna-unahang nobelang panlipunan sa Kastila.
a. A Mi Madre
b. Les Itas
c. Ninay
d. Pinay
24. Siya ay isang manunulat na may bansag na Huseng Sisiw.
a. Francisco Baltazar
b. Jose Cruz
c. Jose dela Cruz
d. Lauro Gonzales
25. Siya ang sumulat ng Mi Ultimo A Dios (Ang Huling Paalam)
a. Andres Bonifacio
b. Dr. Jose Rizal
c. Apolinario Mabini
d. Jose Palma
26. Ito ay isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ito rin ay sumasakop ng mahabang panahon na ginagalawan ng maraming tauhan
a. Katha
b. Nobela
c. Maikling Kwento
d. Panitikan
27. Ito ay nangangahulugan ng balagtasan sa Tagalog. Ito ay hango sa pangangalan ni Juan Crisostomo Sotto na “Ama ng Panitikang Kapampangan”.
a. Balagtasan
b. Crisotan
c. Crisotohan
d. Batutian
28. Siya ang Ama ng Panitikang Ilocano
a. Pedro Bukaneg
b. Pedro Paterno
c. Juan Cruz Matapang
d. Francisco Baltazar
29. Ito ay tulang pasalaysay na may paksang kababalaghan at maalamat. Ito ay isang sukat na walong pantig sa bawat taludtod.
a. Epiko
b. Awit
c. Soneto
d. Kurido
30. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na ang pinakalayunin ay itinanghal sa tanghalan
a. Dula
b. Talumpati
c. Moro-moro
d. Komedya
31. Ito ay isang paglalahad ng pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, paaralan, sa mga sakuna, sa industriya sa agham at ibat’ ibang paksa sa buong bansa.
a. Paglalahad
b. Balita
c. Kuwento
d. Komposisyon
32. Ito ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay bigkasin sa harap ng mga tagapakinig, layunin nito na humikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon at magbigay ng opinion o paniniwala.
a. Debate
b. Diskusyon
c. Talumpati
d. Tula
33. Ito ay tulang pasalaysay na may paksang kababalaghan at ito ay may sukat na labindalawang pantig sa bawat taludturan.
a. Awit
b. Kurido
c. Epiko
d. Elehiya
34. Ito ay isang maikling katha na kung saan ito ay nagsasalaysay ng pang araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan.
a. Maikling Kwento
b. Komposisyon
c. Sanaysay
d. Nobela
35. Ito ay tulang nagpapahayag ng pangungulila o pagkalungkot na kaugnay ng kamatayan.
a. Oda
b. Elehiya
c. Dalit
d. Soneto
Wika - Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
36. Io ay tawag sa mga katagang na, ng at g na ginagamit sa pagitan ng dalawang salitang ang isa ay naglalarawan at ang isa po ay inilalarawan.
a. Pangatnig
b. Pang-ukol
c. Pang-angkop
d. Panghalip
37. Ito ay bahagi ng pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak o layon.
a. Pang-ukol
b. Pandiwa
c. Pang-abay
d. Pangatnig
38. Ito ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita at isa pang salita at ng isang kaisipan sa isa pang kaisipan.
a. Panghalip
b. Pang-ukol
c. Pangatnig
d. Pang-angkop
39. Ito ay uri ng panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, pook o gawa.
a. Panawag
b. Pamatlig
c. Paari
d. Paturol
40. Ito ay lipon ng mga salitang walang buong diwa.
a. sugnay
b. parirala
c. pangungusap
d. salita
41. Ito ay binubuo ng dalawang kaisipang pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig.
a. tambalan
b. payak
c. hugnayan
d. langkapan
42. Ito ay isang sining na ipinahahayag sa sariling wika ang anumang nasusulat sa
a. panghihiram
b. asimilasyon
c. pagsasaling-wika
d. pagdadagdag
43. Ito ay pinakamabilis na paraan ng pagpapayaman ng salita.
a. Pagsasalin
b. Panghihiram
c. Dyalektal
d. Pagsasaling-wika
44. Ito ay tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga ito upang makabuo ng salita.
a. semantika
b. ponolohiya
c. morpolohiya
d. ponema
45. Ito ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika.
a. ponolohiya
b. segmental
c. suprasegmental
d. ponema
46. Ito ay salitang nagtataglay ng pantig at malapatinig na w at y.
a. malapatinig
b. katinig
c. pang-uri
d. diptongo
47. Ito ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.
a. pangungusap
b. parirala
c. sanaysay
d. diwa
48. Ito ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
a. panghalip
b. pangngalan
c. klaster
d. katinig
49. Pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa.
a. pantangi
b. pambalana
c. pang-uri
d. pangngalan
50. Ito ay nabubuo kapag ang ponema ay pinagsama at maaaring makabuo ng maliit nay unit ng salita.
a. morpema
b. almorp
c. leksikal
d. kayarian
51. Ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa at may dalawang morpemang malaya.
a. pangngalang pantangi
b. pangngalang tambalan
c. pangngalang pambalana
d. lahat ng ito
52. Ito ang tawag sa pagitan ng dalawang babagtingang pantinig na dinaraanan ng hangin.
a. glottal
b. glottis
c. leksikal
d. pares minimal
53. Ito ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
a. tono
b. awit
c. diin
d. lapat
54. Ito ay dalawang salitang pinagsama-sama para makabuo ng isa lamang salita
a. gitlapi
b. unlapi
c. tambalang salita
d. tambalan pangungusap
55. Ito ay pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa makatulad na posisyon.
a. pares ng salita
b. klaster
c. minimal
d. pares minimal
By: Ms. Veronica Ril
Click the download button below to download this practice set with answers in PDF format.
Post a Comment
Post a Comment