A+ A-


LET Reviewer in General Education

LET Reviewer for General Education
LET Reviewer for General Education
MGA PAGSUSULIT SA GENERAL EDUCATION

Wika - Panuto: Piliin ang wastong salita na dapat gamitin sa pangungusap.

56. Gusto (kong, kung) tulungan ka, ngunit kailangan na.

57. Tulungan mo (rin, din)ang iyong sarili.

58. Darating sila (kung, kong) maganda ang panahon.

59. Maaasahan sa gawain ang matalik (kong, kung) kaibigan.

60. Ang pagsabog (ng, nang) Bulkang Pinatubo ay kalunos-lunos.

61. Magsikap tayo (ng, nang) umunlad ang ating buhay.

62. Nagdasal (ng, nang) taimtim ang mga deboto.

63. Lakad (ng, nang) lakad ang taong naghahanap ng trabaho.

64. Tanaw na tanaw sa Tagaytay ang  (bibig, bunganga) ng Bulkang Taal.

65. (Idinampi, Idiniit) niya ang kanyang

66. (labi, bibig)  sa noo ng maysakit.

67. Hindi siya nakaalis (dahil sa, dahilan sa) huli na

68. (ng, nang) dumating siya sa airport.

69. Totoo bang aalis ka na (raw, daw) sa isang Linggo?

70. (May, Mayroon)  dahilan ang kanyang pananahimik.

Piliin ang tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap, Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot

71. Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wikang Pilipino isa sa magiging wikang opisyal ng Pilipinas simula Hulyo 4, 1946.
a. Hunyo 7, 1940
b. Hulyo 7, 1940
c. Hunyo 4, 1940
d. Hulyo 4, 1942

72. Pinalabas ng CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) nay unit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 ( Sining ng Pakikipagtalastasan) Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Filipino 3 (Retorika)
a. 1987
b. 1989
c. 1986
d. 1985

73. Memorandum Sirkular Blg. 488 na humuhiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa Agosto 13-19
a. Disyembre 1, 1972
b. Hulyo 29, 1971
c. Marso 16, 1971
d. Marso 4, 1971

74. Siya ang nagpalabas ng isang Memorandum Sirkular Blg. 443 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco Baltazar sa Abril 2, 1971.
a. Juan L. Manuel
b. Pangulong Marcos
c. Alejandro Melchor 
d. Rafael Salas

75.Siya ang humirang sa mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa.
a. Manuel Roxas
b. Manuel L. Quezon
c. Rafael Salas
d. Ferdinand Marcos

76. Ayon sa Bagong Saligang Batas (1987) ang Wikang Pambansa sa Pilipinas ay tatawaging.
a. Filipino
b. Filifino
c. Pilipino
d. Waray

77. Noong 1937, iminungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa sa kanilang resolusyon na ang wikang pambansa ay ibabatay sa 
a. Tagalog
b. Cebuano
c. Filipino
d. Waray

78. Ang kauna-unahang alpabeto ng ating mga ninuno sa panahong Pre-Kolonyal ay tinatawag na
a. alibata
b. alibaba
c. abakada
d. talibata

79. Magsasaliksik ang mga mag-aaral sa internet ng kanilang takdang aralin. Ibigay ang aspekto ng pandiwa.
a. pawatas
b. imperpektibo
c. kontemplatibo
d. perpektibo

80. Ano ang pamamaraan ng guro kung gumagamit siya ng isang tula sa pagtuturo ng pang-uri?
a. pinagsanib na pagtuturo
b. Araling pagpapahalaga
c. pabuod 
d. pasaklaw

81. Ayon kay Sinclair may dalawang anyo may dalawang anyo ang pagiging awtentiko ng mga kagamitang pangwika. Ano-ano ang mga ito?
a. Teknik at istratehiya
b. Teksto at pamamaraan
c. Paraan at Pamamaraan
d. Teknik at Pamamaraan

82. Uri ng pagsusulit na may layuning malaman ang mga kasanayang alam na ng mga mag-aaral at ang mga kasanayang dapat na iturong muli.
a. Pasuri o dayagnostic
b. Pangkakayahan
c. aptityud
d. pangkabatiran

83. Pagsusulit na isa lamang yunit, bahagi o kasanayan ang sinusukat sa bawat aytem.
a. Obhektibo
b. Sabhektibo
c. Diskrito
d. Integratibo

Piliin ang wastong titik ng uri ng tayutay na ginamit sa bawat pahayag.

84. Magandang gabi, Bayan
a. Personifikasyon
b. Metonomiya
c. Metapora
d. Pagtutulad

85. Pinawi ng tsunami ang ilang bansa ng Asya.
a. Paghahalintulad
b. Sinekdoke
c. Personifikasyon
d. Pagmamalabis

86. Para kang asong-ulol na sunud-sunod sa kanya.
a. Paghahalintulad
b. Pagwawangis
c. Pagtutulad
d. Pagmamalabis

87. Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga.
a. Pagpapalit-saklaw
b. Pagpapalit-tawag
c. Pagbibigay katauhan
d. Pagmamalabis

88. Si Hesus ang aking pastol simula pa noon at hanggang ngayon.
a. Pagtutulad
b. Paghahalintulad
c. Pagwawangis
d. Pagmamalabis

89. Talagang iba ka. Yumayanig ang gusali sa iyong mga yabag.
a. Pagpapalit-saklaw
b. Pagwawangis
c. Pagmamalabis
d. Personifikasyon

90. Ibig hingin ni Carlos ang kamay ng dalaga.
a. Pagpapalit-saklaw
b. Pagwawangis
c. Pagmamalabis
d. Personifikasyon

Piliin ang tamang sagot.

91. Ang editoryal ay opinyon ng
a. editor
b. buong patnugutan
c. taumbayan
d. publisher

92. Ang tunay na balita ay walang halong kuro-kuro o pagkiling kaninuman. Ito ay tumutukoy sa simulating
a. pananagutan
b. walang kinikilingan
c. kalayaan
d. makatarungang pakikitungo

93. Ang balitang pinagbatayan ng isang editoryal ay tinatawag na
a. lead
b. news peg
c. inverted pyramid
d. headline

94. Ang pamagat ng pinakamahalagang balita
a. headline
b. banner
c. umbrella
d. streamer

95. Ang paninirang-puri na nasusulat o nalilimbag ay tinatawag na
a. slender
b. libelo
c. plagiarism
d. defamation

96. Isalin: Sugar dissolves in water
a. natutunaw sa tubig ang asukal
b. nalulusaw ang asukal
c. nahahalo ang asukal sa tubig
d. sumasama ang asukal sa tubig

97. Isalin: Vine running over the wall
a. nakalambitin nab aging sa pader
b. napupuno ng baging ang pader 
c. tigib ng baging ang pader 
d. gumagapang na baging sa pader

98. Tumbasan sa Filipino: rundown house
a. sira-sirang bahay
b. lumulupasay na bahay
c. gibing bahay
d. bumigay na bahay

99. Tumbasan sa Filipino: run up a big bill
a. kulangin sa pera
b. magkautang-utang
c. mabaon sa utang
d. takbuhan ng utang

100. Ano ang kaisipan ang nangingibabaw?
“Full many a flower born to blush unseen, and waste its sweetness in the dessert”
a. Maraming bulaklak ang nalalanta dahil hindi ito naaalagaan
b. Maraming talento o galing ang hindi napapaunlad at nasasayang
c. Maraming talento at hindi napapansin at naglalaho na lamang
d. Maraming bulaklak ang namulaklak na hindi napapansin at nasasayang ang bango nito sa disyerto.

By: Ms. Veronica Ril

Click the download button below to download this practice set with answers in PDF format.
 Filipino


Post a Comment

Post a Comment

 
Top