A+ A-


LET Reviewer in General Education

LET Reviewer for General Education
LET Reviewer for General Education
MGA PAGSUSULIT SA GENERAL EDUCATION

Idyomatikong Pagpapahayag - Piliin ang letra ng sagot sa bawat bilang.

1. May prinsipyo si Daves, kaya nang mabalitaan niyang may tali sa ilong ang kanyang kaibigan dahil sunud-sunuran sa lahat ng ipinag-uutos ng kanyang hepe, pinangaralan niya ito.
a. nasa ilalim ng kapangyarihan
b. di makahalata
c. kulang ang pagkalalake
d. walang iisang salita

2. Ang lihim na kanyang iniingatan ay nabunyag dahil siya ay nahuli sa kanyang sariling bibig.
a. tismosa
b. sa sariling bibig nagmula ang katotohanan
c. pagiging totoo
d. di marunong magsinungaling

3. Talagang sakit ng ulo ang pag-aasawa nang wala sa panahon.
a. masasakitin ang ulo
b. di nag-iisip
c. malaking sulirain o alalahanin
d. mahirap isipin

4. Ang taong may krus sa dibdib ay pinagpapala ng Diyos.
a. maunawain
b. mapagmahal
c. maka-Diyos
d. mapagpatawad

5. Pagdaan ng mga taon, saka mo pa lamang makikita na may pileges ang noo mo.
a. nagiging bata muli
b. nagiging isip-bata
c. maraming problema
d. matanda na

6. Paano ko maiintindihan ang kanyang ulat, e boses-ipis siya.
a. mahina ang boses
b. di makarinig
c. di marinig magsalita
d. a at c

7. Galit ako sa mga istudyante parang kampana ang bibig sa loob ng klase.
a. tulad ng tunog ng kampana ang boses
b. mukhang kampana
c. malakas ang boses
d. malaki ang bukas ng bibig kung magsalita

8. Bukod sa pagtuturo, nais ibuhos ni Luke Miguel ang isip sa pagguhit.
a. ituon ang isip
b. ubusin ang panahon
c. mag-isip nang mag-isip
d. maging malikhain

9. Kaya matumal ang paninda mo ay isang bakol ang mukha mo. Ngumiti ka naman.
a. nakakunot ang noo
b. nakangiwi
c. malungkot
d. nakasimangot

10. Lumuha ka man ng bato, di na maibabalik ang buhay ng iyong ama.
a. matinding panangis
b. di makaiyak o makaluha
c. di matinag
d. wala ng pakiramdam

11. Madali kasi siyang napakagat sa pain.
a. naloko
b. napakain
c. napahanga
d. magkakilala

12. Madali nilang nakamit ang tagumpay, magkataling-puso kasi sila.
a. magkaibigan
b. magkasundo
c. mag-asawa
d. magkakilala

13. Di niya matanggap ang kasawiang-palad na inabot ng kanyang pamilya.
a. aksidente
b. naputulan ng kamay
c. kamalasan
d. nawalan ng kuryente

14. Magkasundong-magkasundo sila sa lahat ng bagay, pano’y kumakain sila sa iisang pinggan.
a. magkaibigan
b. magkasundo
c. ayaw maghugas ng pinggan
d. magkasama sa iisang bahay

15. Umuwi siya isang gabi na parang lantang bulaklak.
a. walang lakas
b. nawalan ng puri
c. hinang-hina
d. nanlalata

16. Di dapat silang magsama dahil sila ay parang langis at tubig.
a. may sama ng loob
b. mainit ang dugo sa isa’t isa
c. di magkasundo
d. magkaaway

17. Ayaw kong maniwala na kaya nakakuha siya ng mataas na marka sa pagsusulit ay dahil dinuktor ito ng iba.
a. minalian
b. inayos sa pamamagitan ng pandaraya
c. winasto kahit mali
d. ipinawasto sa iba

18. Talagang tabla ang mukha mo. Di mo man lang iniisip na ako ang nagpasok sa iyo sa trabaho. Bakit mo ako siniraan sa ating Boss?
a. walang munti mang kahihiyan
b. mahiyain
c. mukhang tabla ang mukha
d. walang utang na loob

19. Kaya nagmamagandang –loob si Paulo ay dahil naghuhugas siya ng kamay. Huwag mo siyang paniwalaan.
a. takot magkaroon ng kasalanan sa ibang tao
b. nagbayad ng kasalanan sa isang tao
c. humihingi ng patawad nang di-tahasan
d. umiwas magkaroon ng pananagutan sa isang naganap na pangyayari

20. Ngayon lang ako nakakita ng labanang ngipin sa ngipin.
a. walang ayawan
b. gantihan nang ubos-kaya
c. ubusan ng lahi
d. lakas sa lakas

Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na pahayag idyomatiko sa kahon sa ibaba. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.

a. mabagal lumakad
b.madaldal
c. may asawa na
d. iniligtas sa kamatayan
e. matinding kagutuman
f. masama ang rekord
g. malaki ang agwat
h. matinding pagsubok
i. nagpigil ng sarili
j. malaking kamalasan

1. Naghunusdili ang babae kaya naayos agad ang problema.

2. Parang gutom na aso ang batang aking pinakain.

3. Hindi matanggap ni Mang Nestor ang dagok ng kapalaran sa kanilang pamilya.

4. May pananagutan na sa buhay ang kanyang napangasawa.

5. Parang palakang kokak kung magsalita ang babaeng iyon.

6. Inagaw sa kamatayan ni Aling Lilia ang anak sa nasusunog nilang bahay.

7. Parang nakikipagprusisyon ang batang iyong kung maglakad.

8. Langit at lupa ang kanilang kalagayan kaya di nagtagal ang kanilang pagsasama.

9. Nagdaan ako sa butas ng karayom bago ko natamo ang aking mga pangarap.

10. Hindi siya nanalo sa eleksyon dahil basa ang kanyang papel.

Tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na pahayag idyomatiko sa kahon sa ibaba. Isulat ang letra ng sagot sa patlang.

a. payat na mataas
b. kinukwartahan
c. mapagpatawad
d. matalik at matapat na kaibigan
e. anak na maliit
f. walang galang
g. hindi magkasundo
h. lumalaban sa makapangyarihan
i. buhay na maraming pagsubok
j. naubos ang pera sa sugal
k. ngiting pakunwari
l. mga abubot

1. Ngiting aso ang ipinakita niya sa kanyang kaibigan.

2. Parang aso’t pusa ang magkapatid

3. Kahit saan siya magtungo ay dala niya ang kanyang mga retaso

4. Parang tutubing karayom ang banyagang kanyang napangasawa.

5. Kahiramang suklay niya ang aking kapatid na babae.

6. Nanalo siya sa eleksyon dahil may krus sa dibdib ang taong iyon

7. Baligtad ang bulsa ni Mang Nestor kahapon sa perya.

8. Naging palabigasan ni Lilia ang kanyang anak na panaganay dahil may trabaho na ito.

9. Pilit tinahak ni Sally ang landas na matinik kung kaya siya nagtagumpay.

10. Huwag mo nang ituloy ang demanda, para ka lang bumangga sa pader.

Pagsasalin. Tukuyin ang katumbas sa ingles ng sumusunod na matalinghagang mga pananalita. Isulat ang letra ng sagot sa patlang.

a. to be scolded; to be reprimanded
b. to open the eyes
c. conveyor of what is heard or seen; talkative; tale bearing
d. substitute
e. an alluring look or fascinating stare
f. wooing by means of giving gifts ang visiting the lady love at noontime
g. mouth-watering
h. very angry; very much annoyed
i. very dirty; needs bathing or washing
j. quick ang superficial washing of face

11. Hilamos- pusa ang kanyang ginawa sapagkat maginaw ang panahon.

12. Hubarin mo na ang damit mo sapagkat hinahabol na ng sabon.

13. Huwag ka nang magpilit sumama sa piknik nila baka masabon ako ng nanay kapag nalamang umalis ka.

14. Kumukulo ang dugo ko tuwing nakababasa ako tungkol sa mga lalaking nang-aabuso ng mga babae.

15. Maraming hirap na ang tiniis mo sa iyong asawa kaya’t kailanagan mo nang magdilat ng mata.

16. Nagdamdam si Angela nang malaman niyang siya’y pamasak-butas lamang sa kasintahan ni Ruben.

17. Hindi magustuhan ni Rosa si Roy dahil sa ginawa niyang ligaw- instik.

18. Ang taong mahaba ang dila ay malimit maging dahilan ng away.

19. Makatulo-laway ang katawan ng babaing nakilala nila kanina sa parke.

20. Makalaglag- matsing ang tingin inukol ni Tomas sa nililigawang si Nena.

By: Ms. Veronica Ril

Click the download button below to download this practice set with answers in PDF format.
 Filipino


Post a Comment

Post a Comment

 
Top