LET Reviewer in General Education
LET Reviewer for General Education |
WIKA: Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong.
1. Nawawala ang takip (nang, ng) kaldero.
2. Tawag (nang, ng) tawag ang kanyang amang nasa sa Singapore.
3. Ipinamana na (nang, ng) matanda ang kanyang mga lupa sa anak.
4. Paano (daw, raw) natin ipagdiriwang ang Buwan ng Wika?
5. Bakit di pa (doon, roon) sila matulog bukas?
6. Tinutulungan (raw, daw) nila ang mga batang-lansangan.
7. Dumating (rin, din) ang mga hinihintay naming lumang damit.
8. Nagsalita (din, rin) ang mga manggagawang nawalan ng trabaho.
9. (May, Mayroong) batang naiwan sa loob ng simbahan.
10. (May, Mayroon) siyang aasikasuhin sa Maynila.
11. (May, Mayroon) mga dadalhin akong aklat bukas.
12. (May, Mayroon) pa kaya akong masasakyan pauwi?
13. MakaNora, Maka-Nora)pala ang nanay mo.
14. (Maka-bansa, Makabansa) ang aking mga mag-aaral.
15. Sa (ika-17, ika 17) ng Abril ang kanyang alis papuntang Canada.
16. (Ikalawa, Ika-lawa) ko ng pagpunta rito.
17. (Dalhin, Dalhan) mo ng pagkain ang iyong tatay sa bukid.
18. (Dalhin, Dalhan) mo na itong bigas sa tindahan.
19. (Walisan, Walisin) mo na ang iyong silid.
20. (Walisan, Walisin) natin ang mga tuyong dahon sa bakuran.
21. Agad na sumigaw ang bata ____ makitang dumating ang kanyang kapatid
a. ng
b. nang
22. Ang mga mag-aaral ay nagkasundo _____ sa iminungkahi ng guro.
a. din
b. rin
23. Ang bawat tao _____ ay kailangang isakatuparan ang kanyang mithiin sa buhay.
a. daw
b. raw
24. Ang kirot ay unti-unti ______ nawawala.
a. ng
b. nang
25. Ayon kay Jose Rizal, ang mga bata _____ ang siyang pag –asa ng bansa.
a. daw
b. raw
26. Sa Sabado _____ gabi mawawalan ng kuryente.
a. ng
b. nang
27. Hindi na nakaramdam ng gutom si Kuya mula _____ siya ay natulog.
a. ng
b. nang
28. _____ dalang pusa ang Inay nang umuwi.
a. May
b. Mayroon
29. Maya-maya ay sisingaw _____ ang amoy ng Patay.
a. din
b. rin
30. Ang dunong ay kailangan ng tao ngunit kailangan _____ niya ang tulong ng Maykapal.
a. din
b. rin
31. Sino ba ang sumisigaw _____ at nagtatakbuhan ang mga tao.
a. doon
b. roon
32. _____ tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
a. May
b. Mayroon
33. Ang bawat tao sa mundo ___ ay dapat magkaunawaan para sa kanilang ikabubuti.
a. Daw
b. raw
34. Ang Pilipinas ay malakas ____ tulad ng Singapore kung karapatan ang Pag-uusapan.
a. din
b. rin
35. Unti- unti ____ humuhupa ang kanyang galit.
a. ng
b. nang
Pagpapalawak ng Talasalitaan.
1. Narinig ko ang alawat ng mga bata sa silid ng mag-asawang Maria at Jose.
a. ingay
b. mahinang alingawngaw
c. sigaw
d. tawanan
2. Ang Itay ay alimbuyaw nang dumating kanina.
a. Aburido
b. Masaya
c. Patakbo
d. Sumigaw
3. Si Tj ay isang anluwagi nang mapangasawa ni Luisa.
a. Guro
b. katulong
c. karpintero
d. pulis
4. Kakarampot ang nakuha kong ulam sa mesa.
a. marami
b. katiting
c. malalaki
d. mamhahaba
5. Alumpihit ang Itay habang hinihintay ang Inay.
a. Kabang-kaba
b. Siyang- siya
c. Di-mapalagay
d. Tuwang-tuwa
6. Iyon ang kinamihasnan ng babaeng iyon sa bundok kaya di-makaunawa sa iyo.
a. natutuhan
b. kinagawian
c. napag-aralan
d. nagustuhan
7. Ang alipustahin ang mga dukha ay di kanais-nais na pag-uugali.
a. layuan
b. apihin
c. talikdan
d. kagalitan
8. Nakita kong pakimod na sumagot ang babae sa dalaga nang mag-usap sila.
a. Paismid
b. Pangiti
c. patawa
d. pasigaw
9. Isang indihente ang tumawag ng aking pansin dahil sa nakakatawang ayos nito.
a. Maralita
b. Matanda
c. mag-asawa
d. paslit
10. Naging Cum Laude si Memi dahil siya ay nagsunog ng kilay gabi-gabi.
a. nagbubunot
b. puspos sa pag-aaral
c. nag-aahit
d. nag-aayuno
11. Parang balat-sibuyas ang kutis ng babaeng ito.
a. namumula sa bilog
b. napakaputi at malinis
c. mahaba at payat
d. pino at malambot
12. Kapit-tuko sa isa’t isa habang naglalakad ang magkasintahang Chiz at Heart
a. away nang away
b. mahigpit na magkahawak-kamay
c. malayo ang agwat
d. patakbo
13. Ang langitngit ng mga bintana ay gumigising nang lubos sa katahimikan ng silid-aralan.
a. Alatiit
b. kulay
c. dekorasyon
d. sira
14. Mataginting na tinanggap ng batang paslit ang pangaral ng guro.
a. maingay
b. pasigaw
c. mapayapa
d. paismid
15. Ang paswit ay sa aso, ang Oo ay sa tao.
a. Palo
b. Sipol
c. buto
d. sigaw
By: Ms. Veronica Ril
Click the download button below to download this practice set with answers in PDF format.
Post a Comment