A+ A-


LET Reviewer in General Education

LET Reviewer for General Education
LET Reviewer for General Education
MGA PAGSUSULIT SA GENERAL EDUCATION

1. Ano ang tinutukoy nito: “Ang taong mabilis lumakad kung matinik ay malalim”
A. malalim  ang sugat kapag natinik sa bilis ng lakad
b. dahan- dahan sa paglakad sa dilim
c. madalas madudulas ang mabilis lumakad
d. mahina ang paglakad kaya nahuhuli ang dating

2. Ano ang sagot sa bugtong naito? “Mataas kapag nakaupo, mababa kapag nakatayo”.
a. Pusa
b. Aso  
c. Alimango  
d. Kabayo

3. Ang mga mamamayan sa Mindanao ay nabulabog ng alitan na tumagal ng ilang buwan. 
Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang maibalik ang tiwala ng mga Moro?
a. Ang mga kampo ay ibalik sa mamamayan.
b. Ibigay ang kampo sa mga sundalo. 
c. Gawing palayan ng bansa ang lupa.
d. Sunugin ang mga bahay sa kampo ng kalaban.

4. Paano ipinaaabot ng mga katipunero ang kanilang mensahe sa mamamayan?
a. Sa nilimbag na Peryodikong Tagalog
b. Sa pamamagitan ng mensahe sa Tagalog
c. Sa mga simbulo ng titik at numero
d. Sa pamamagitan ng mensahero

5. Ibinabalik ang paligsahan sa balagtasan upang  .
a. Mahasa ang mga bata sa pagsasalita
b. Magkaroon ng kuwentuhan
c. Mahasa ang mga bata sa pakikinig, pagsasagot at panananaliksik
d. Mabuo ang loob ng mga kasali sa balagtasan

6. Ano ang tawag sa mga tanong na tulad ng sumusunod: 
Ang bahay ay paligid ng espada, ano ito?"
a. Bugtong  
b. Salaysay 
c. Tula  
d. Dikreto

7. Sa pagtaas ng bandila sa Kawit, anong wika ang ginamit ni Aguinaldo sa 
kanyang talumpati?
a. Español  
b. Tagalog 
c. Ingles  
d. Chabakano

8. Alin ang wastong salita ng bata?
a. Nanay, darating ako diyan.
b. Ako, nanay, darating ako diyan
c. Darating nanay ako
d. Nanay, ako’y darating diyan.

9. Ang saging kailanman ay di magbubunga ng santol, ang salawikain  ay nagpapahiwatig na
a. Maaaring magbunga ng bayabas ang isang punong santol
b. Walang pagbabago ang anuman
c. Ang bunga ng isang kahoy ay galing sa sariling lahi
d. Walang bungang di galing sa sariling puno

10. “Huwag ka ng mahuhuli sa lakad,” ayon kay Rafael. “Oo naman,” sagot ng kapatid. Ano ang kahulugan ng sagot?
a. Sasama siya talaga
b. Sasama siya ngunit depende sa gising
c. Di nakatitiyak siya’y makakasama
d. Tiyak siyang sasama

11. Ang payo ng pare sa rebelde bago sumagot sa mataas na opisyal ay: 
a. Makinig at isulat ang sagot
b. Tumigil at bumati muna
c. Tumigil sa ginagawa at makinig
d. Makinig na mabuti

12. Siya’y isang pipi, ngunit kaya niyang mag-guhit ng larawan. Siyang isang    .
a. Pintor  
b. Manunulat 
c. Artista  
d. Dalubhasa sa siyensya

13. Sabi ni Balagtas,” Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad.” Ito’y tulad ng:
a. Batang walang pakiramdam sa hirap
b. Batang di sumusunod sa magulang
c. Batang di natuto sa klase
d. Kawayan na mataas

14. Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan a di makararating sa paroroonan” Ito’y:
a. Babala sa maikli ang pag-iisip
b. Babala sa mga mayaman
c. Babala sa nakalimot ng kanyang tunay na buhay
d. Babala sa bagong mayaman

15. Pare-pareho kayo. Wala akong mapagpiliian. Wika ng isang gurong puno ng galit sa mga lalaki.  Siya’y .
a. nawalan ng gana sa pagtuturo
b. nawalan ng tiwala sa mga lalaki
c. nawalan ng gana sa buhay
d. nawalan ng tiwala sa lahat ng tao

16. Ang tamang babala na ipinipintura sa pader ay:
a. Dito nakatira ang durugista
b. Mag-ingat sa durugista sa paligid
c. Bahay ng durugista: mag-ingat
d. Parisan ninyo ang nakatira dito

17. Ayaw niyang __________ dahil di rin siya aalis.
a. Umaalis  
b. aalis  
c. umalis 
d. mag-alis

18. Ano ang dahilan kung bakit umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Hapon?
a. ang karamihan sa mga nailathala noon sa pahayagan ay sa wikang Tagalog
b. bihirang manunulat ang naglimbag ng kuwentong Ingles
c. ang dating manunulat ng maikling kuwento sa Ingles ay lumipat sa pagsusulat ng Tagalog
d. ipinagbawal ng hukbong Hapon ang paggamit ng Ingles

19. Noong panahon ng Hapon lumaban ang mga Filipino sa gitna ng kahirapan.  Ang pinakamahirap na dinanas ng kawal ay ang mahabang lakbay.  Ito’y tinatawag na   .
a. Death March 
b. Return of McArthur 
c. Fall of Corregidor 
d. Fall of Bataan

20. Ayon sa Presidente, kung siya’ hahamunin, silay    .
a. Ikukulong 
b. dudurugin 
c. awayin 
d. amuhin

21. Alin ang babala na dapat sundin ng mga mamamayan?
a. Itapon ang basura sa tabing-dagat
b. Bayaran ang buwis para ang basura ay hakutin
c. Gawin ang paghihiwalay ng mga basura
d. Itapon ang basura sa Pasig

22. Sino sa mga sumusunod ang dapat iginagalang sa lahat ng pamilya?
a. ang lolo at lola  
b. ang ina at ama  
c. ang kuya 
d. ang bunso

23. Paano nalaman ang mga talaisipan at saloobin ng mga matandang panahon?
a. Sa pamamagitan ng mga kuweno ng mga lola
b. Sa pamamagitan ng Kartilya
c. Sa pamamagitan ng sulat sa buho
d. Sa pamamagitan ng awit at verso

24. Ang gulay ay dinadala ng magsasaka papuntang bayan sa pamamagitan ng kalabaw at    .
a. Tren  
b. kanga  
c. kareta 
d. jeep

25. Sino ang may sabing “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda”?
a. Apolinario Mabini    
b. Gregorio Del Pilar  
c. Marcelo H. Del Pilar
d. Jose Rizal 

26. Ang batang nakasuot ng kulay luntian ay napag-alamang mga   .
a. Boy scouts 
b. Pulis  
c. Girl Scout 
d. Army

27. Ano ang __________ ng anak mo bago lumisan?
a. pinangako
b. pangako
c. pangakuin
d. pangangako

28. Ano ang pagkakasulat ng tulang “Ang Daigdig at Ako” ni Alejandro G. Abadilla?
a. May sukat at tugma
b. May tugma at taludturan
c. Malayang taludturan
d. May sukat at taludturan

29. Sa digmaan, ano ang utos ng isang Kapitan?
a. “Sugod, kababayan!”
b. “Tingin sa kanan bago tumawid!”
c. “Attention!”
d. “Ayon sa batas; palaban at urong na kayo!”

30. Ang mabilis maglakad, kung matinik ay malalim
a. Ang sakuna ay nangyayari  sa pagmamadali
b. Dapat lumingon sa pinanggalingan
c. Mag-isip bago gumawa ng anuman
d. Dahang-bigla

31. Ang kagawarang Pang-ibang bansa ay gulong-gulo kapag may giyera sa ibang bansa. Ano ang unang ginagampanan ng Ambassador sa Kuwait.
a. Alamin ang mga tirahan ng mga Pilpino sa bayang iyon.
b. Ipunin ang mga maykaya at ipalipad pauwi.
c. Bayaang magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa.
d. Bilangin ang mga lalaki

32. Nang pumutok ang Bulkang Mayon, ang mga tao’y   .
a. nagsisipaghanda
b. nagsisipagtago
c. nagsilikas
d. nagsisipagtakbo

33. May naaksidenteng limang taong bata sa lansangan. Sino ang unang sisisihin sa pangyayari? 
a. Ang sasakyan na walang preno.
b. Ang pabayang magulang.
c. Ang pulis na wala sa kanto.
d. Ang tsuper na mabilis magpatakbo

34. Noong kaarawan ng Pangulong Arroyo, ano ang ginawa ng mga sasakyan?
a. nakipag-ugnay sa MMDA
b. nagsipag-aklas
c. nagbara sa daan
d. nagbigay ng libreng sakay

35. Anong hukuman ang siyang ________ ng kasong kurapsyon.
a. Court of Appeals-manglilitis
b. Ombudsman-tagapaglitis
c. Sandigang Bayan-naglilitis
d. Korte Suprema-maglilitis

36. Ano ang ginagawa  sa Kawit kung araw ng kalayaan?
a. Nagpupugay sa bandila at nag-aalay ng bulaklak sa mga bayani.
b. Nagsisipagtalastasan ng kahulugan ng araw.
c. Nagsisipag-awit at sayaw.
d. Nagwawagayway ng bandila

37. Akoy nangangakong matatapos sa isang karera. Siya’y kasama sa   .
a. ospital sa panganganak ng asawa
b. gustong magsuot ng toga isang araw
c. isang rally sa EDSA
d. siya’ hawak ang malamig na bakal

38. Nagulat ang mga Amerikano noong __________ ang mga Hapon sa Pearl Harbor.
a. dadating
b. magsidating
c. nagsidating
d. dumating

39. Ano ang isang bagay na di dapat kasangkutan ng isang kagawad ng gobyerno?
a. Magtrabaho habang may sahod
b. Dapat mamahagi ng pera sa isang kandidato
c. Di dapat mamulitika
d. Dapat magsikap yumaman

40. Kung minsan ang mga Asyano ay nagkakaintindihan. Alin ang mas malapit na wika sa Pilipino?
a. Japan
b. Malaysia
c. Latin
d. Instik

41. Ang sarzuela noong panahon ng Kastila ay dinadaan sa
a. pamamagitan ng Latin at Kastila
b. pamamagitan ng halong Tagalog at Kastila
c. pamamagitan ng Kastila
d. pamamagitan ng salita sa isang bayan

42. May isang Professor sa Chemistry ang ibig matuto ang mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuturo sa  Pilipino. Ano ang pinakang-kapuna-puna sa klase niya.
a. Ang salitang teknikal ay kanyang binago.
b. Ang salitang teknikal ay kanyang ginamit
c. Lahat ay Pilipino
d. Taglish ang pagtuturo niya

43. Maraming uri ng Pilipino ngunit ang katangap-tangap ay ang   .
a. ayon sa panitikan
b. puno ng salitang hiram
c. ang tuwirang Pilipino sa kabuuang wika
d. Taglish

44. Alin ang ginagawa kung Biyernes Santo?
a. Pitong huling salita
b. Sampung utos ng Diyos
c. Senakulo
d. Pasyon sa bayan

45. Ang mangagawa ay di sang-ayon sa maliit na pagtaas ng sahod. Alin ang ginagawa nilang pahiwatig?
a. Nagsipag-aklas sa trabaho
b. Di pumasok
c. Sumulat ng open letter
d. Sinabotahe ang tanggapan

46. “Ang laki sa layaw, karaniwang hubad”. Ayon kay Balagtas kaya.
a. Ang mga bata nakapagtapos sa pag-aaral 
b. Ang mga bata ay laging magagalang 
c. Ang mga bata ay di sumusunod sa magulang
d. Ang mga babae ay nag-aartista

47. Alam niya ang lahat ngunit di niya ginawa san g sabi niya.
a. Padre Damaso
b. Paciano
c. Pilosopo Tasyo
d. Maria Clara

48. Sa isang kanto may babala:”Hiwalayin ang natutunaw at di natutunaw na basura.”Alin dito ang tama?
a. May pera sa basura    
b. Isang lalagyan para sa lahat
c. Ang gulay, isda at saging maaaring isang basurahan
d. Ang plastik, papel at bote maaaring isama sa gulay

49. Laging naaalala ang wika ni Rizal  na mamamatay siya sa   .
a. bukang- liwayway 
b. takip-silim  
c. hating-gabi   
d. madaling araw

50.  “Darating ka ba? Talaga ba? tanong ng isang kasintahan.  Alin kaya ang wastong sagot?
a. “Bakit makulit ka?”   
b. “Oo mag-antay ka lang.”  
c. “Oo naman.”
d. “Di ka ba naniniwala? Basta.”


Click the download button below to download this practice set with answers in PDF format.
 Filipino


Post a Comment

Post a Comment

 
Top