LET Reviewer in General Education
LET Reviewer for General Education |
51. Ang hiling ng namatay na artista ay siya’y ilibing sa takip-silim. Anong oras iyon?
a. madaling araw
b. sa pagitan ng alas-singko alas sais ng hapon
c. ika-anim ng umaga
d. ika-walo ng gabi
52. Nabigo siya sa kanyang pangarap, ngayon siya’y.
a. palikaw
b. di nakikinig sa lahat
c. nasa lansangan
d. basang sisiw
53. "Bago ako sumunod, ikaw na muna." Ang tugon ng isang kagawad. Ito’y
a. paghahabla ng isang welga
b. tugon ng walang tiwala
c. pagkutya sa lider
d. isang halimbawa ng tamad
54. "Ang karapatan mo, ipaglaban." Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ipagtanggol ka ng abogado
b. Alamin mo ang mga karapatang pantao
c. Alamin mo ang karapatan ng Amerikano
d. Tawagin mo ang
55. Si M.H. Del Pilar ay tagasunod ni Rizal sa larangan ng .
a. Panggagamot
b. baril
c. simbahan
d. pagsusulat
56. "Sa ika-30 ng Agosto ay isang piyesta opisyal at walang pasok sa lahat ng antas kaya .
a. ang papasok ay babayaran ng matino
b. ang papasok tataas ang suweldo
c. ang papasok ay itataas ang ranggo
d. ang di pumasok kakaltasan ng suweldo
57. Si Ninoy Aquino ay bumalik sa Pilipinas. Ayon sa kanya
a. di dapat buhayin ang mga Pilipino
b. ang kamatayan ko para sa pamilya lang
c. dapat bang magpakamatay dahil lang sa Pilipino
d. ang lahing Pilipino higit sa lahat ay dapat ipaglaban hanggang kamatayan
58. "Ito’y bunga ng aking pawis," sabi ni gina. Ano ang mensahe niya?
a. Nagtiyaga siya makapagpundar ng gamit
b. Nagpakabait siya
c. Nagsarili siya ng hanapbuhay
d. Pinapawisan siya sa gawain
59. Ang pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika ay
higit na magiging mabisa kung gagamit nito.
a. Modelo
b. tanong sagot
c. pagkukuwento
d. pagsasaulo
60. Sino ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal?
a. Jose Gatmaitan
b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio
d. Jose Corazon de Jesus
61. Siya ang unang bumuo ng titik ng ating pambansang awit noong panahon ng himagsikan
a. Andres Bonifacio
b. Graciano Lopez Jaena
c. Marcelo H. Del Pilar
d. Jose Palma
62. Ano ang awiting bayan ng mga taga-Pampanga?
a. Pamulinawen
b. Ati Cu Pung singsing
c. Dandansoy
d. Leron Leron Sinta
63. "Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat" Anong ibig sabihin nito?
a. Mahirap pakisamahan ang sinungaling
b. Ang pagsasabi ng totoo ay mabuting tao
c. Ang matapat ay madaling pakisamahan
d. Ang pagkakaibigan ay sagot sa pagsasalita
64. Kailan ginagamit ang "ika-" na may gitling?
a. Kung ang ikakabit ay isang panlapi.
b. Kung ginagamit na panlapi sa isang salita.
c. Kung mismong bilang ang isusulat.
d. Kung ang bilang ay isusulat ng buo.
65. Huwag, "pagbuhatan ng kamay" ang batang walang kalaban-laban. Anong ibig sabihin ng "pagbuhatan ng kamay?
a. Pagtrabahuhin
b. Pagbuhatin ng mabigat
c. Itali ang mga kamay
d. Saktan
66. Alin ang pinakatamang pahayag?
a. Tinitigan niya ang langit
b. Tiningala niya ang langit
c. Sinulyapan niya ang langit
d. Tinitingnan niya ang langit
67. Ano ang mensahe ng sumusunod na pahayag? "Bunsod ng globalisasyon at kontraktwalisasyon at ang pagsasapribado ng mga pang-gobyernong ari-arian."
a. Paubos na ang ari-arian ng bansa
b. Pamamayaning Kapitalista
c. Walang permanente sa trabaho
d. Kailangang maging kompitent sa paggawa
68. Anong pagpapahalaga ang binibigyang-diin sa saknong.
"Datapwat muling sisikat ng araw,
Pilit maliligtas ang lugaming bayan"
a. positibong pananaw
b. katapangan
c. matibay na pananalig
d. pagkamakabayan
69. Ito ay isang tulang pasalaysay na kinapapalooban ng pakikipagsapalaran, pamumuhay at kabayanihan ng isang tauhang may pambihirang katangian at kasamang kababalaghan.
a. Bugtong
b. Alamat
c. Epiko
d. Awit
70. Noong panahon ng Hapon ang Filipino ay lumaban sa gitna ng kahirapan. Ang pinakamahirap na dinanas ng kawal ay ang mahabang lakbay na pinamagatang .
a. Fall of Corrigidor
b. Landing in Leyte
c. Fall of Bataan
d. Death March
71. Ano ang sinasabi ng tagapangnuna sa isang pagpupulong upang maghudyat na wakas na ito?
a. Salamat sa inyong pagdalo sa pulong na ito.
b. Tapos na, maaari na kayong umuwi.
c. Maaari na kayong umalis, tapos na tayo.
d. Dito nagtatapos ang ating pagpupulong, salamat.
72. Alin ang pinaka-angkop na salin sa Ingles ng "Pakihinaan naman ninyo ang inyong tinig"?
a. Please soften your voice
b. Tone your voices, please
c. Please tone down your voices
d. Soften your voices please
73. "Ako’y isang ahas na sa kasukalan gumagapang." Ito’y isang .
a. Metaphor
b. Simile
c. Personifikasyon
d. Sinekdoke
74. Ano ang ginamit ni Mayor Lim na babala sa mamamayan tungkol sa durugista?
a. Isinara ang pinto kapag gabi.
b. Ipakulong sa sariling bahay.
c. Ipinintura ang larawan ng durugista.
d. Pininturahan ang bahay ng durugista.
75. "Nagpanting ang tainga" ng lalaki sa kanyang narinig . Anong ibigsabihin ng "nagpanting ang tainga."
a. Naging atentibo
b. Nabingi
c. Namula ang tainga
d. Biglang nagalit
76. Ano ang tawag sa awit ng pag-ibig?
a. Kundiman
b. Uyayi
c. Ihiman
d. Tagumapay
77. "Ang kabutihan mo sa buhay ang magiging hakbang sa pag-unlad." Ito ay isang .
a. Pagtutulad
b. Personifikasyon
c. Pagpapalit-tawag
d. Pagwawangis
78. Kailan ang Linggo ng Wika ipinagdiriwang?
a. Hunyo 1-31
b. Agosto 1-31
c. Agosto 13-19
d. Marso 13-19
79. Kung kilala ang Cebu sa kanyang Sinulog, kilala naman ang Kalibu sa kanyang .
a. Dalampasigan
b. Dinagyang
c. Ati-atihan
d. Kadayawan
80. Matatagpuan mo pa siya doon. Siya ay isang "kapit-tuko." Ito ay isang .
a. Pawangis
b. Pagpapalit-tawag
c. Sinekdota
d. Patulad
81. Sana’y umulan ng upang matubigan ang bukirin. "Magdilang anghel" ka sana, sagot ng kausap. Ang ibig sabihin ay __________.
a. Magkalat ng tubig __________
b. Magsimba ka upang umulan
c. Maging totoo ang iyong sinasabi
d. Maging manghuhula ka
82. Ako ay isang ibon na nakakaigayang pakinggan. Ito ay .
a. Pawangis
b. Pagpapalit-tawag
c. Sinekdota
d. Patulad
83. Ang tambal na salitang "matang-manok" ay may ibig sabihing .
a. Nanlalabo
b. Matalas
c. Nanlilisik
d. Nakakatakot
84. Siya ang Pangulo ng Komonwelt na nagnais na magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas.
a. Laurel
b. Ramos
c. Marcos
d. Quezon
85. Ano ang ibigsabihin ng paalala? "Ang lumakad ng mabilis, kung matinik ay malalim"
a. Mag-isip ng mabuti bago gumawa ng anuman
b. Maaaksidente ang mabilis lumakad
c. Mag-isip ng malalim kung naglalakad
d. Huwag lumakad ng mabilis
86. Alin ang angkang pinagmulan ng mga wika sa Pilipinas?
a. Indones Polinesyo
b. Malay
c. Indonesya
d. Malayo Polinesyo
87. Huwag kang magpumilit na pumunta sa amin dahil "basa ang papel" mo sa mga magulang ko. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Alanganin ang record
b. Mabuwag ang record
c. Masama ang record
d. Di tiyak ang kaalaman
88. Ito ay isang uri ng awiting-bayan na ginagawa ng mga katutubo na may kasamang sayaw sa gawing kabisayaan.
a. Oyayi
b. Balitaw
c. Tikam
d. Ihiman
89. Alin ang angkang pinagmulan ng mga wika sa Pilipinas?
a. Malayo Polinesyo
b. Indones
c. Indones Polinesyo
d. Malay
90. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na pangungusap?
a. Mayroon bang dadalo?
b. Kung aalis ka.
c. Umaaraw ngayon.
d. Maraming salamat
91. May pulong na gaganapin at isinulat na ang lugar, petsa at oras. Sinulat din ang "agenda" Ano ang maaaring salin nito?
a. Pagkakaisahan
b. Paghahandaan
c. Pag-uusapan
d. Pagtatalunan
92. Ito ay kuro-kuro ng patnugot hinggil sa mahalaga at napapanahong isyu sa araw na iyon. Ano ito?
a. Lathalain
b. Editoryal
c. Balita
d. Pitak
93. Alin ang pahayagang itinatag ni Marcelo H. Del Pilar upang ilathala ang pagbatikos sa maling pamamahala ng mga kastila?
a. El Porvenir
b. El Resumen
c. Diaryong Tagalog
d. La Solidaridad
94. Mahusay magtago ng lihim ang mga taong "mabigat ang bibig." Ano ang ibig sabihin nito?
a. Tahimik
b. Mahiyain
c. Malaki ang bibig
d. Hindi madaldal
95. Kailan natin ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika?
a. Hunyo
b. Hulyo
c. Agosto
d. Oktubre
96. "Kung anong bukambibig, siyang laman ng dibdib." Ito ay uri ng __________.
a. Salawikain
b. Bugtong
c. tula
d. tugmaan
97. Piliin sa mga sumusunod ang tiyak na hakbang sa pagtuturo.
a. Istratehiya
b. Teknik
c. Pamaraan
d. Pagkatuto
98. Sino ang tinaguriang Ama ng Demokrasyang Pilipino?
a. Emilio Aguinaldo
b. Emilio Jacinto
c. Andres Bonifacio
d. Apolinario Mabini
99. Huwag" pagbuhatan ng kamay" ang batang walang kalaban-laban.
Ano ang ibig sabihin? Huwag .
a. Pagbuhatin ng mabigat
b. Itali ang kamay
c. Saktan
d. Pagtrabahuhin
100. Sa pangungusap na, Panahon na upang" magdilat ng mata at makisangkot sa mga usapin" ay nagpapahiwatig na .
a. Kalimutan ang isyu
b. Umiwas sa usapin
c. Idilat ang mga mata
d. Magising sa katotohanan
Click the download button below to download this practice set with answers in PDF format.
Post a Comment