Header

 

A+ A-


LET Reviewer in General Education

LET Reviewer for General Education
LET Reviewer for General Education
MGA PAGSUSULIT SA GENERAL EDUCATION

101. Ang pisngi ni Mary ay kasing pula ng makopa." Anong uri ng pananalita?
a. Metonomiya
b. Pandiwantao
c. Patulad
d. Pawangis

102. Sino ang nagsabi ng "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda"?
a. Apolinario Mabini
b. Gregorio Del Pilar
c. Marcelo H. Del Pilar
d. Jose Rizal

103. Sino ang unang bumuo ng titik ng ating pambansang awit na may pamagat na Himmo Nacional Filipino?
a. Graciano Lopez Jaena
b. Andres Bonifacio
c. Jose Palma
d. Marcelo H. del Pilar

104. Ilan ang kasalukuyang bilang ng ating alpabeto?
a. 31
b. 28
c. 20
d. 30

105. Kailan ginagamitan ang mga gitling na "maka-" Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang tama?
a. Maka-kusilista pala siya
b. Si ate ay tunay na maka-Nora Aunor
c. Maka-ibayong dadgat ang gaming panuhin
d. Maka-ibang bansa ang tutunguhan niya

106. Aling panahon ang itinuturing na gintong pabahon sa panitikan?
a. Hapon
b. Amerikano
c. Kastila
d. Aktibismo

107. Kailan ginagamit ang isang pananalitang patulad?
a. Sa paghahambing ng magkatulad na bagay
b. Sa paghahalintulad ng dalawang kaisipan
c. Sa paghahalintulad ng dalawang diwa
d. Sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay

108. Ano ang kagamitang dapat gamitin kung nais matukoy ang layo ng Koronadal sa Maynila?
a. Libro
b. Globo
c. Grap
d. Tsart

109. Ito ang mga opisyal na wika mula sa panahon ng Republika hanggang sa kasalukuyan.
a. Filipino at Kastila
b. Ingles at Kastila
c. Ingles at Tagalog
d. Ingles at Filipino

110. "Yumanig ang gusali sa kanyang mga yabag." Ito’y isang .
a. Metaphor
b. Sinekdoke
c. Hyperbole
d. Personifikasyon

111. "Pare-pareho kayo. Wala akong mapagpilian" wika ng isang gurong puno ng galit sa mga lalaking mag-aaral. Ano ang nais niyang ipahiwatig?
a. Walang gana sa pagtuturo
b. Nawalan ng tiwala sa mga lalaki
c. Pagasa sa buhay
d. Walang gana sa buhay

112. Siya ang kauna-unahang nagsalita sa Tagalog ng MI ULTIMO ADIOS ni Jose Rizal.
a. Jose Gatmaitan
b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio
d. Jose Corazon de Jesus

113. Mahusay "maglubid ng buhangin" ang taong gipit. Ano ang ibig sabihin?
a. Maghukay
b. Magyabang
c. Magsinungaling
d. Magpaikot-ikot

114. Ano ang karaniwang iisahing pantig lamang at walang katuturang maibibigay kung nag-iisa?
a. Parirala
b. Salita
c. Kataga
d. Sugnay

115. "Malalim ang bulsa" ng kanyang tatay. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Mapera
b. Kuripot
c. Mapagbigay
d. Walang pera

116. Piliin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang kilusang binuo ng pangkat ng mga intelektwal na humuhingi ng reporma o pagbabago.
a. Katipunero
b. Mangagawa
c. Propaganda
d. Estudyante

117. Sa taas ng mga bilihin ngayon, "kahit kahig ng kahig" ay wala pa ring maipon. Anong ibigsabihin
a. Hanap ng hanap
b. Tago ng tago
c. Walang trabaho
d. Gastos ng gastos

118. "Ang lumakad ng mabilis, kung matinik ay malalim." Ano ang ibig sabihin ng paalalang ito?
a. Huwag lumakad ng mabilis
c. Maaksidente ang mabilis lumakad
b. Mag-isip ng malalim kung naglalakad
d. Mag-sip ng mabuti sa paglalakad

119. Anong uri ng panghalip ang salitang may salungguhit sa pangungusap? May padalang tulong ang pamahalaan para sa kanila.
a. Pambalanan
b. Palagyo
c. Paari
d. Palayon

120. Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap? Naglaro ng baskeball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.
a. Sanhi
b. Tagaganap
c. Kagamitan
d. Ganapan

121. Alin uri ng parirala ang may salungguhit sa pangungusap? Utang sa kanyang sipag at sikap sa paggawa ang kanilang maalwang pamumuhay.
a. Pangngalan
b. Pangngalang-diwa
c. Pawatas
d. Pang-ukol

122. Si Dr. Jose Rizal ay sumulat ng aklat ng itinampok sa ibat’ibang bansa. Ang pangungusap ay nagagamit bilang .
a. panawag
b. pamuno
c. tuwirang layon
d. paksa

123. Kilalanin ang uri ng pariralang may salungguhit. Ang pangangalaga sa mga likas na yaman ay tungkulin nating lahat.
a. Pangngalan
b. Pangngalang-diwa
c. Pang-ukol
d. Pawatas

124. Sabihin ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap na ito. "Mag-aral sa bahay ng mga araling ukol sa halaman."
a. Pawatas
b. Kontemplatibo
c. Imperpektibo
d. Perpektibo

125. Dadalaw sa mga paaralan si Dr. Filemon S. Salas, ang tagapamanihala ng mga paaralang lungsod, sa lungsod ng Pasay. Ang pangungusap ay nagagamit bilang
a. Panuring
b. Paksa
c. Tuwirang layon
d. Pamuno

126. Alin ang karaniwang anyo ng pandiwang HINTAY KA?
a. Tay
b. Tayka
c. Intay
d. Teka

127. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang may salungguhit? Matayog ang lipad ni Pepe kaya’t bata pa siya’y nagsisikap na siya.
a. May kayabangan si Pepe
c. Mataas ang pangarap ni Pepe
b. Marunong si Pepe
d. Ibig ni Pepeng maabot ang langit

128. Sa "Espiritu ng Bathala ang nangangalaga sa kanilang kalusugan" ang ipinahihiwatig na katangian ay .
a. malinis
b. mabisa
c. maliksi
d. makapangyarihan

129. Alin sa mga salita ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit? Ang ama ni Pipoy ay kilalang bulanggugo sa kanilang lalawigan.
a. Laging ibinubulong
b. Laging handang gumasta
c.Laging handang makipag-away
d. Laging handang makipagtalo

130. Anong tayutay ang tinutukoy nito? Durog ang katawang bumagsak sa semento si Untoy.
a. Pagtutulad
b. Pagbibigay katauhan
c. Pagmamalabis
d. Pagwawangis

131. Sa alin salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpilitang si Rose ang nakabasag ng pinggan. Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan?
a. Rose
b. pinggan
c. Hindi
d. nakabasag

132. Alin ang kahulugan ng KAHIRAMANG SUKLAY?
a. kakilala
b. kaibigan
c. karibal
d. Kalahi

133. Alin antas ng tono ang lumitaw sa bahaging may salungguhit ng pangungusap na nagsasalaysay?
 Magbabasa ng mga gawain ang guro.
a. 1
b. 3
c. 2
d. 4

134. Alin antas ng tono ang lumitaw sa bahaging may salungguhit ng pangungusap na nagdududa? Nagputol ng puno ang lalaki.
a. 1
b. 2
c. 4
d. 3

135. Alin ang kahulugan ng AGAW BUHAY?
a. Masiglang-masigla
b. Malapit ng mamatay
c. Pagpapatuloy ng buhay
d. Mahirap na buhay

136. Alin ang naaayong pamagat sa tanagang sinulat ni Jose Villa Panganiban?
Ano man sa daigdig
Maaaring Magamit
Ano mang nasa isip
Di sukat maiipit
a. Pagkainip
b. Paraya
c. Pag-asa
d. Pagbibigay

137. Ano ang ibig ipakahulugan ng taludtod na ito?
"Ang anak mo ay alagaan sa marubdod na pagsuyo sikapin mo sa sarili’y huwag siyang maging luko talipandas sa paglaki na sa sama marahuyo sa lahi mo’t sa Bayan mo’y isang tinik sa balaho."
a. Mahalin ang anak ng walang hanggan
b. Tamang pagpapalaki sa anak ang dapat
c. Suyuin ang anak at ibigay lahat ng hilig
d. Paligayahin ang tahanan

138. Kaninong tula hango ang sumusunod?
"Ang hindi magmahal sa sariling wika na higit sa hayop at malansang isda."
a. Jose Rizal
b. Emilio Jacinto
c. Apolinario Mabini
d. Graciano Lopez Jaena
139. Alin sa mga sumusunod ang aral na ibinibigay ng epikong Muslim na INDARAPATRA AT SULAYMAN?
a. Pagmamahal
b. Katapangan
c. Katapatan
d. Pagtanaw ng utang-na-loob

140. Alin sa mga sumusunod ang aral ng ibinigay ng ANG ALAMAT NI MARIANG MAKILING na ikunuwento ni Rizal?
a. Pagyamanin at pangalagaan ang ating bayan at lahi pagkat hiyas at yaman natin ito.
b. Pag-ibig ang makapagbabago sa mundong ito.
c. Kabanalan ang magpapatawad at tulungan ang isang nagkasala.
d. Dahil sa pagmamalabis at pagsasamantala, maraming biyaya ang sa kanya’y nawawala.

141. Alin sa mga sumusunod ang mensahe ng epiko ng Ilokano na BIAG NI-LAM-ANG?
a. Pinatutunayan ng epiko ang yaman ng Ilokano sa lahat ng bagay
b. Kailangan paniniwalaan ang ukol sa bisa ng mga anting-anting dahil sa mga pangyayaring nagpapatunay dito.
c. Dito nagpapatunay na walang kamatayan.
d. Masasalat ang mga katutubong ugali at mga tradisyong dapat pagyamanin at panatilihin upang pakinabangan ng kabataan.

142. Ano ang pinakaangkop ng kahulugan nito?
"Nagsasaya tayo ngayon sapagkat ang iyong namatay na kapatid ay muling nabuhay; ang nawawala ay muling nakita."
a. Ang pagbabalik ay dapat dapat ipaghanda ng malaki
b. Ang pagbabago ng kapatid ay dapat pahalagahan
c. Dapat silang magsaya sa muli nilang pagsasama-sama
d. Ang pagsasama nila ay dahil sa muling pagbabalik ng kapatid.

143. Si Mariano Ponce ay propagandistang may sagisag sa panulat na
a. Tamaraw
b. Tikbalang
c. Kapre
d. Kalapate

144. Anong aral ang ibinibigay ng sumusunod na salawikain? "Ang taong napapailalim, ay naipapaibabaw rin."
a. Maaaring ngayon ay hirap pagdating ng bukas ay may ginhawa rin
b. Tiyak ang pag-unlad kapag nauna ang hirap
c. Kung ano ang ibig natin ay mangyayari
d. Magtiis kung dumarating ang hirap

145. Alin and di karaniwang anyo ng pandiwang WINIKA KO?
a. Ikako
b. Wikako
c. Kako
d. Wika ko

146. Ang sabi ni Romula sa isa niya akda, ang Pilipino ay dugong maharlika. Ano ang kahulugan ng dugong maharlika?
a. Ang Pilipino ay sadyang matatag ang budhi
b. Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
c. Ang Pilipino ay madaling maipagbili at mabola
d. Ang Pilipino ay di purong Pilipino

147. Ang Tagalog ang naging opisyal na wika ng Pilipinas dahil sa:
a. Saligang batas ng 1986
b. Saligang batas ng 1935
c. Saligang batas ng 1973
d. Saligang batas ng Malolos

148. Di katakataka na ilang pulis na ay hinihiling kasangkot sa pagpalaganap ng krimen. Ano ang kahulugan ng kasangkot?
a. Kabalikat
b. Kabilang
c. Kasabwat
d. Kasama-sama

149. Ang di niya makalimutan ay isang ____ ng anak niya bago umalis pa Amerika.
a. pagaako
b. paako
c. paaako
d. pangako

150. Ikaw ba ang dapat sisihin sa nangyari?
a. Pagsasadula
b. Pagbati
c. Pagbibigay/Pagkuha ng impormasyon
d. Pakikipagkapwa

151. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.
b. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
c. Ang mga kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtakbuhan sa lansangan.
d. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.

152. Kabaliwan at paglulustay ang iyong ginagawa taun-taon. Higit na marami ang maralitang nangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay –
a. Maramot
b. Praktikal
c. Matipid
d. kuripot

153. Piliin ang gawi pagsasalita: Ayokong sumunod sa mga sinasabi mo.
a. Babala
b. Pagtangi
c. Pakiusap
d. Pamungkahi

154. Ikinalulungkot ko ang mga nangyayari.
a. Pagsagot
b. Pagtanong
c. Panghula
d. Paghingi ng paumanhin

155. Ipinagmamalaki mo siya, BAHAG naman pala ANG kanyang BUNTOT. Ang ibig sabihin ng may malaking itik ay.
a. Mahiyain
b. Traidor
c. Kuripot
d. Duwag

156. Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan.
a. Pagtula
b. Pagtatanong
c. Pagtukoy
d. Pasasalamat

157. Ikaw naman kasi nagpahuli ka pa.
a. Pagkontrol ng kilos ng iba
b. Paglikha
c. Pagbibigay ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin

158. Alin sa mga sumusunod maliban sa isa, ay ilan sa mga akdang pampanitikang nagdala ng maling impluwensya sa buong daigdig.
a. Ang Koran
b. Ang Banal na Kasulatan
c. Ang Divina Commedia
d. Ang Romeo at Julieta

159. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang pabrikang pinagtrabahuhan nila, malapit sa amin ay bago’t malaki.
b. Ang bago’t malaking pabrikang pinagtrabahuhan nila ay malapit sa amin.
c. Ang pinagtatrabahuhan nilang malapit sa amin ay bago’t malaking pabrika.
d. Ang pabrikang malapit sa amin, bago’t malaki ay pinagtatrabahuhan nila.

160. Alin sa sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Nagpapabata ang pulbos sa kutis na Clinique.
b. Nagpapabata sa kutis ang pulbos ng Clinique.
c. Nagpapabata ng mukha sa kutis ng pulbos na Clinique.
d. Nagpapabata sa kutis na mukha ang pulbos na Clinique


Click the download button below to download this practice set with answers in PDF format.
 Filipino


Post a Comment

 
Top