Header

 

A+ A-


Majorship LET Reviewer

LET Reviewer sa Filipino
LET Reviewer sa Filipino
MGA PAGSASANAY SA FILIPINO

Panitikang Filipino

1. Si Gaspar Aquino de Belen ay sumulat ng mahabang tula tungkol sa buhay ng ating Panginoong Jesu Kristo, nang lumaon ay tinawag na pasyon. Ang kahawig nitong genre ay ang _______________.
A. Tibag
B. Panuluyan
C. Senakulo
D. Doctrina Cristiana

2. Ang mga nagsisulat hindi upang basahin kundi upang pakinggan ay ang mga manunulat noong panahon ni _______________.
A. Balagtas
B. AGA
C. Mangahas
D. Mabanglo

3. Ang panahong nagbigay pansin sa mga manunulat sa Kastila, Ingles at Tagalog ay _______________.
A. Amerikano
B. Hapon
C. Kontemporaryo
D. Kastila

4. Noong 1930 bumagsak ang pantanghalang pagtatanghal ng mga Tagalong dahil sa nagsimula ang pagpapalabas ng _______________.
A. Pelikulang Pilipino
B. Sarswelang Pilipino
C. Komedya
D. Stage show

5. Noong panahon ng aktibismo pinaksa ang _______________.
A. Kabulukan  ng lipunan at pulitika
B. Kahilingan para sa reporma
C. Nasyonalismo
D. Karanasan ng mga tao ng nakaraang panahon

6. Ang nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak pagsulat ng maikling kuwento noong panahon ng Hapon ay ang _______________.
A. Lupang Tinubuan
B. Kuwento ni Mabuti
C. Uhaw ang Tigang na Lupa 
D. Lungsod, nayon at Dagat-dagatan

7. Ang gumamit ng kalipunan ng mga dasal satirical bilang panunuligsa sa mga prayle ay si _______________.
A. Marcelo H. Del Pilar
B. Jose Rizal
C. Graciano Lopez Jaena
D. Pedro Paterno

8. Ang tinaguriang Ama nng Maikling Kuwentong Tagalog ay si _______________
A. Valeriano H. Peňa
B. Deograsya Roario
C. Lope K. Santos
D. Severino Reyes

9. Ang aklat na isinulat ni Modesto de Castro na patungkol sa kagandahang-asal ay ang _______________.
A. Nuestra Seňora del Rosario
B. Urbana at Feliza
C. Doctrina Cristiana
D. Panubong

10. Ang ngalan panitik ni Emilio Jacinto ay _______________.
A. Dimas-Ilaw
B. Dimasalang
C. Plaridel
D. Agapito Bagumbayan

11. Ang awit sa ibaba ay halimbawa ng awit ng _______________

Matulog ka na bunso
Ang ina mo ay malayo
Hindi naman masundo
May putik at may balaho

A. Pag-ibig
B. pakikidigma
C. pampatulog ng bata
D. pamamangka

12. Ang awit sa itaas ay tinatawag na _______________.
A. Oyayi
B. tikam
C. kumintang
D. soliranin

13. Pinalitan ng alpabetong Romano ang unang alpabetong Pilipino ng _______________.
A. Bokabularyo
B. gramatika
C. alibata
D. sanskrito

14. Ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas ay ang _______________.
A. Doctrina Cristiana 
B. Nuestra Seňora del Rosario
C. Barlaan at Josaphat
D. Urbana at Feliza

15. Ang aklat na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo ay ang _______________.
A. Tibag
B. panuluyan
C. Senakulo
D. Pasyon

16. Ang dulang batay sa alamat ng singsing ng dalaga na naihulog sa dagat ay ang _______________.
A. Karagatan
B. duplo
C. senakulo
D. tibag

17. Ang halimbawang ito ay bahagi ng _______________.

Salamat sa inyo
Belyaka’t belyako
Tapos ang nagbayo
Dala pati halo

A. Tibag
B. dupes
C. karagatan
D. dalit

18. Ang saknong na ito ay buhat sa tulang _______________.

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.

A. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
B. Katapusang Hibik ng Pilipinas
C. Huling Paalam
D. Sa Mga Kabataang Pilipino

19. Ang El Filibusterismo ay inihandog ni Rizal sa _______________.
A. Kanyang bayan
B. kanyang kasintahan
C. Kabataang Pilipino
D. GOMBURZA

20. Aking adhika makita kang sakdal laya
Ang taludtod ay mula sa “Bayan Ko” ni _______________.
A. Amado V. Hernandez
B. Teodoro Gener
C. Ildifonso Santos
D. Jose Corazon De Jesus

21. Ang persona sa tula ay _______________.

Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadiapng krus
Sa napakatagal na pagkakaluhod
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

A. makata
B. halaman
C. punungkahoy
D. puntod

22.  Ang kanyang tintutukoy sa saknong ay ang

Kaputol na bakal galling sa bundok
Sa dila ng apoy, kanyang pinalambot
Sa ilang pandayang matiyagang pinukpok
At pinaghugis sa nasa ng loob

A. Magsasaka
B. Mangingisda
C. sundalo
D. panday

23. Ang inilalarawan sa saknon ay ang _______________.

Pinagkatakutan, kay daming nasindak
Umano, kung gabi ay may namamamalas
Na isang matandang doo’y naglalakad

A. Puntod
B. lumang simbahan
C. malaking bahay
D. paaralan

24. Ang kauna-unahang itinanghal na Hari ng Balagtasan ay si _______________.
A. Ildefonso Santos
B. Florentino Collantes
C. Lope K. Santos
D. Jose Corazon de Jesus

25. Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang makata ng _______________.
A. Mangingisda
B. magsasaka
C. manggagawa
D. bilanggo

26. Ang sagisag ni Florentino Collantes ay _______________.
A. Kuntil-butil
B. Huseng Sisiw
C. Huseng Batute
D. Verdugo

27. Ang saknong  ay halimbawa ng _______________.

Hila mo’y tabak…
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo

A. Tanaga
B. haiku
C. karaniwang tula
D. malayang tula

28. Ang kauna-unahang kwentong nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Palanca ay ang _______________.
A. Kamatayan sa Gulod
B. Batingaw
C. Pag-uugat… Pagsusupling
D. Kuwento ni Mabuti

29. Ang Hulyo 4, 2954 A.D. na nagkamit ng unang gantimpala sa Gawad Palanca ay ang _______________.
A. Dula
B. Tula
C. maikling kuwento
D. sanaysay

30. Ang saknong ay tumutukoy sa mga ________________.

Nagpahinga 
Ang Makina
Sa pabrika

A. Artista
B. manggagawa
C. anluwage
D. panday

31. Ang sumulat ng Duguang Placard ay si _______________.
A. Rolando Tinio
B. Rio Alma
C. Ruth Mabangho
D. Rogelio Mangahas

32. Ang tulang Pilipino: Isang Depinisyon na naluklok noong panahon ng Batas Militar ay sinulat ni _______________.
A. Ponciano Pineda
B. Rolando Tinio
C. Edgardo Reyes
D. Rio Alma

33. Ang unang panitikan natin ay _______________.
A. pasalin-dila
B. pakuwento
C. patula
D. pasulat

34. May dalang sistema ng pamahalaan na tinatawag na Balangay ang mga _______________.
A. Indones
B. Malay
C. Intsik
D. Baluga

35. Ang awit pangkasal ay tinatawag na _______________.
A. oyayi
B. Kundiman
C. diona
D. soliranin

36. Ang Atin Cu Pung Singsing ay awiting bayan ng mga ________________.
A. Ilokano
B. Waray
C. Bikolano
D. Kapampangan

37. Ginagamit sa pangkukulam, pang-ingkanto o pasintabi ang 
A. Bulong
B. Dalit
C. dung-aw
D. kundiman

38. Nabuo ang pangkat na tinatawag na “may-kaya” na may ari-arian at lupain noong panahon ng _______________.
A. Amerikano
B. Hapon
C. Kastila
D. Komonwelt

39. Ang humalili sa alibata ay ang _______________.
A. Sanskrito
B. Arabik
C. Romano
D. Griyego

40. Nagpapakita ng paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus ang _______________.
A. Tibag
B. Panunuluyan
C. Senakulo
D. Pasyon

41. Ang melodrama o dulang musical na tatluhing yugto ay _______________.
A. Sarswela
B. moro-moro
C. opera
D. trahedya

42. Ang bersyong payak na binibigkas sa mga orasyon o lamayan ay tinatawag na _______________.
A. Duplo
B. dung-aw
C. dalit
D. Ioa

43. Ang kilusang binuo ng pangkat ng mga intelektuwal sa gitnang uri na humihingi ng reporma o pagbabago ay ang _______________.
A. Propaganda
B. KKK
C. Manggagawa
D. Estudyante

44. Hinggil sa katamaran ng mga Pilipino ang _______________.
A. Sobre La Indonecia delos Filipinos
B. A La Juventud Filipino
C. Filipinos Dentro decien Años
D. Mi Ultimo Adios

45. Kilalang akda ni Marcelo H. del Pilar ang _______________.
A. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
B. Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya
C. Katapusang Hibik ng Pilipinas
D. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

46. Tumatalakay sa katiwalian ng mga prayle sa Pilipinas ang _______________.
A. Sobre La Indonecia delos Filipinos
B. La Soberana en Filipinos
C. Filipinas Dento decien Años
D. A La Juventud Filipino

47. Ang kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang kastila na sinulat ng isang Pilipino ay ang _______________.
A. Ninay
B. A Mi Madre
C. Noche Buena
D. Ser Divisiten

48. Ang tinaguriang Ama ng Demokrasyang Pilipino ay si _______________.
A. Emilio Jacinto
B. Apolinario Mabini
C. Emilio Aguinaldo
D. Andres Bonifacio

49. Ang Himno Nacional Filipina ay isinulat ni ______________.
A. Antonio Luna
B. Pascual Poblete
C. Jose Palma
D. Jose Panganiban

50. Ang panitikan ay sumunod sa romantisismo sa Europa noong panahon ng _______________.
A. Amerikano
B. Hapon
C. Kastila
D. Kalayaan

51. Ang tinaguriang Lola Basyang ay si _______________.
A. Patricio Mariano
B. Hernandez Ilagan
C. Lope K. Santos
D. Severino Reyes

52. Ang kauna-unahang nobela na tumatalakay sa sosyalismo sa Pilipinas ay ang _______________.
A. Banaag at Sikat
B. Bayang Malaya
C. Madaling-araw
D. Lihim ng Isang Pulo

53. Natigil ang panitikan sa Ingles noong panahon ng _______________.
A. Amerikano
B. Hapon
C. Kalayaan
D. Aktibismo

54. Itinuturing na ginintuang panahon ng maikling kuwento ang panahon ng _______________.
A. Hapon
B. Amerikano
C. Kalayaan
D. Aktibismo

55. Naging madugo at mapangwasak ang mga demonstrasyon at pagpapahayag noong panahon ng _______________.
A. Batas Militar
B. Aktibismo
C. Amerikano
D. Hapon


Click the download button below to download this practice set with answers in PDF format.
 Filipino


Post a Comment

 
Top