Majorship LET Reviewer
LET Reviewer sa Filipino |
Direksyon: basahin ang sumusunod na ntalata. Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga ito.
Nagkaroon ako ng pasyenteng bata na ang amoy ng sipon ang inirereklamo ng ina. Ayon sa ina, mabaho raw ang sipon ng bata (hindi mabaho ang karaniwang sipon). Nang sinilip ang ko ang loob ng butas ng ilong, nakita ko ang waring piraso ng tela na nakasuksok doon. Malalim ang pagkakabaon nito sa loob ng ilong. Nang makuha ko ito, nagulat ako na foam pala ito ng sofa na unti-unting ipinako ng bata sa loob ng ilong hanggang mapipi ito doon.
- Luis Tiamson, MD
1. Ang talata ay isang uri ng tekstong _________________.
a. descriptiv
b. informativ
c. narativ
d. informative
Ang Kompyuter ay produkto ng makabagong teknolohiya. Ito ay isang elektronikong kasangkapan na ginagamitan ng kuryente. Binubuo ito ng tatlong mahahalagang bahagi: monitor,keyboard, at CPU (central Processing Unit). Tumutulong ito upang mapadali ang pagmamanipula ng mga datos.
- Ligaya Tiamson Rubin
2. Ang talata ay isang uri ng tekstong ________________.
a. descriptiv
b. informativ
c. narativ
d. informativ
Taong 2001, bigla na lamang naglaho si Danny at walang makapagsabi kung saan siya naroon. Hinanap siya ng mga kamag-anak at kakilala. Buong Mindanao ay hinagilap siya subalit walang balitang nakalap tungkol sa kanya. Hanggang isang araw, may isang taong sumulpot at ibinalitang nakakulong si Danny sa Maynila dahil sa salang pagpupuslit ng tao patungo Sabah.
3. Ang talata ay isang uri ng tekstong ___________________.
a. descriptiv
b. informativ
c. narativ
d. informativ
4. Isang tuntunin o kautusang kinikilala at pinagtibay ng karanasan at nauugnay laung-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari o may kahalagahan sa buhay. Nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng mga tao.
a. salawikain
b. kawikaan
c. kasabihan
d. lahat ito
5. Alin sa sumusnod ang mali?
a. buk-san
b. kop-ya
c. to-kwa
d. kap-re
6. Alin sa sumusunod ang tama?
a. sob-re
b. ek-spe-ri-men-to
c. trans-krips-yon
d. ek-sklu-si-bo
7. Ang yosi, boylet, jologs, ay mga halimbawa ng anong kategorya ng wika?
a. literal
b. kolokyal
c. lalawiganin
d. balbal
8. Ito ay itinuturing na mahalagang ambag sa palatunugang Filipini. Ang tunog na ito ay maaaring nasa unahan, gitna at hulihang posisyon.
a. Ñ
b. NG
c. C
d. F
9. Alin sa mga sumusunod ang mali?
a. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra
b. Sa 28 letra ng alpabeto, 20 letra ang nasa dating ABAKADA.
c. 8 letra ang dagdag sa alpabetong Filipino.
d. Ang lahat ng letra sa alpabetong Filipino ay binibigkas nang pa-Ingles.
10. Ito ay mga salitang may pekulyaridad at sa isang lalawigan lamang naririnig.
a. kolokyal
b. literal
c. balbal
d. lalawiganin
11. Filipino ang ating pambansang lingua franca. Ano ang lingua franca?
a. ginagamit mong wika sa klase
b. ginagamit mong wika sa pakikipag-usap sa mga piling tao
c. wikang komon na ginagamit ng dalawang taong nag-uusap na magkaiba ang katutubong wika
d. wika sa pang-araw-araw na buhay
12. kinikilala ng Estado bilang pundasyon ng isang matatag na bansa.
a. Wikang Pambansa
b. Pamilya
c. Edukayon
d. Mag-asawa
13. Romantikong kuwento ng ag-ibig at digmaan ng mga Ifugao na inaawit ng kababaihan
a. Aliguyon
b. Hudhud
c. Ulpi
d. Mumbaki
14. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat sa maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang ________ upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino.
a. akademya
b. lipunan
c. pamahalaan
d. mamamayan
15. ito ay isang uri ng tekstong naglalarawan ng isang biswal na konsepto tungkol sa tao,bagay, pook, o pangyayari. Maaaring nagbibigay rin ito ng mas malalim na paglalarawan sa kabuuan ng bagay o ng isang pangyayari.
a. informativ
b. deskriptiv
c. narativ
d. argumentativ
16. Ang isang teksto ay __________ kung ito ay naglalahad lamang ng isang mahalagang pagkukuro, paniniwala o pananaw. Di ito humihikayat sa mambabasa upang tanggapin ang mga patotoo ukol sa isang pananaw.
a. informativ
b. deskriptiv
c. narativ
d. argumentativ
17. ______________ang teksto kung nagtataglay ito ng mahalaga at tiyak na impormasyon tungkol sa mga tao, bagay, lugay, at pangyayari.
a. informativ
b. deskriptiv
c. narativ
d. argumentativ
18. Hindi, makakapunta si Lee sa ating pulong mamaya.
a. di makakapunta si Lee sa pulong
b. makakapunta si Lee sa pulong
c. di siguradong darating si Lee
d. nakapunta na si Lee sa pulong
19. Pagsunud-sunurin ang sumusunod ayon sa tuntunin sa paghihiram.
1. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
2. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
3. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika sa bansa.
a. 1,2,3
b. 2,3,1
c. 3,1,2
d. 3,2,1
Direksyon: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong.
Sa Tabi ng Dagat
Ni Ildefonso Snatos
Marahang-marahan
manaog ka, Irog at kita’y lalakad,
maglulunoy kitang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang dating garing
sa sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kita
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin….
patiyad na tayo’y
mangaghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sumapit sa tiping buhangin…
Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang buslo bago tumanghali?
Pagdarapit-hapon
kita’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw!
Talagang ganoon…
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso,
ay naaagnas ding marahang-marahan…
1932
20. Anong larawang-diwa ang ipinakita ng tula?
a. pangingisda
b. pagsusuyuan
c. pag-iibigan
d. paghihirap
21. Di na kailangang sapinan pa ang paang binalat-sibuyas. Ano ang kahulugan ng paang binalat-sibuyas?
a. maselan
b. may-kaya
c. babae
d. delikado
22. Anong saknong ng tula ang nagbibigay ng positibong pananaw sa nagbabasa?
a. 1
b. 2
c. 3
d. 4
23. Alin sa sumusunod na taludtod ng tula ang nagpapakita ng kagandahan?
a. saknong na wari’y kinuyom na rosas
b. sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bitun
c. sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw
d. sa dagat man, Irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso, ay naaagnas ding marahang- marahan.
Direksyon: basahin ang sanaysay. Sagutin ang mga tanong.
Ikalat natin ang aral at kaisipan ni Balagtas. Itanghal natin siya sa kanyang dapat kalagyan. Siya ang idolo n Rizal, Mabini, Bonifacio, at ng iba pang mga bayani, ang naging bukal ng kanyang panulat at pakikibaka. Aya dapat din natin siyang kilalanin at itanghal, bungkali at basahin ang iba pa niyangmga akda. Ipabasa natin sa ating mga kaibigan ng magagandang saknong sa Florante at Laura. Sumulat tayo ng mga artikulo tungkol kay Balagtas at ipalathala ito sa mga magasin upang magkaroon ng pagkakataon kay Balagtas at ipalathala ito sa mga magasin upang magkaroon ng pagkakataon ang mga hindi Tagalog o ang ibang lahi na makilala siya, tulad ng mga dakilang makata sa daigdig. Kailanagn nating maipakilala si Balagtas sa buong bansa at sa daigdig. Gumawa ng mga sticker,tarpaulin,at iba pa, kunin ang magagandang linya buhat sa kanyang awit upang ipaskil o idikit sa mga paaralan, pampasaherong dyip, bus, FX, pedicab, sa mga waiting shed,all,tambayan, tindahan, palengke, at iba pa o maging palamuti ng mga mug, t-shrit, sombrero, at iba pang ating malimit isinusuot. Ipabasa sa mga programa sa telebisyon at radyo ang ilan sa mga linya o bahagi ng kanyang mga akda. At kung maaari ay maging isang telesrye o fantaserye ang Florante at Laura, tiyak na hahakot it ng rating. Pero higit pa sa mga ito, kailanagn nating isabuhay ang mga sinabi ni Balagtas. Ang mga pag-alaala sa kanya tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng Balagtasan tuwing Buwan ng Wika ay hindi dapat maging pabalat bunga lamang.kailangan nating siyang basahin. Kailangang maisapanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo sa ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.
- Ang Awit na Florante at Laura sa
- Aking Ipod at Si Francisco Balagtas
- Sa Aking Desktop
- Ni Genaro R. Gojo Cruz
24. Ano ang paksa ng binasang sanaysay?
a. Pagkakalat ng gintong kaisipan ni Balagtas
b. Pagkilala kay Francisco Balagtas Baltazar
c. Pagkalimot sa mga aral ni Balagtas
d. Pagpapakilala sa masang Pilipino si Balagtas
25. Alin sa sumusunod na kaisipan sa sanaysay ang maiuugnay sa lipunan?
a. Isapanahon ang paraan ng paggunita kay Balagtas lalo na ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.
b. Isabuhay ang mga sinabi ni Balagtas para sa mga kabataan.
c. Ang mga pag-alaala kay Balagtas tuwing Abril 2 ay hindi dapat maging pabalat bunga lamang.
d. Si Balagtas ang idolo ni Rizal, Mabini,Bonifacio at ng iba pang mga bayani.
26. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag kung bakit dapat pahalagahan si Balagtas?
a. Ikalat natin ang aral at kaisipan ni Balagtas dahil siya ang idolo ni Rizal, Mabin, Bonifacio at ng iba pang bayani, ang naging bukal ng kanilang panulat at pakikibaka.
b. Ang pag-alaala sa kanya tuwing Abril 2 at ang pagsasagawa ng Balagtasan tuwing Buwan ng Wika ay hindi dapat maging pabalat bunga lamang.
c. Kilangan natin siyang basahin
d. Kailangang maispanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.
27. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagtuturo?
a. Kailangang maipakilala si Balagtas sa buong bansa at sa buong daigdig.
b. Ipabasa sa mga programa sa telebisyon at radyo ang ilan sa mga linyao bahagi ng kanyang mga akda.
c. Maging isang teleserye o fantaserye ang Florante at Laura
d. Kailangang maisapanahon ang paraan ng paggunita sa kanya lalo na sa ngayong panahon ng makabagong teknolohiya.
Post a Comment
Post a Comment