Direksyon: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong.
Nagdiriwnang sa hapag
ang tatlong payat na tinapa;
tinaanuran ng nilagang kamatis
na binudburan ng maghapong pagtitiis
sa ilalim ng matinding sikat ng araw.
Iniingatang may lumusot na butil
ng pawis sa awang ng mesang kawayan;
biyaya itong hulog ng langit
kaya’t dapat pag-ingatan.
Hati ang mag-asawa
sa nakahaing tinapa.
salit-salitan
sa sawsawang nilapirot sa asin.
Bumukal ang maliliit na butil ng pawis
sa noo ng mag-asawang pagal
sa pagbubungkal ng lupa.
Tahimik na tahimik
sa harap ng hapunang pambihira.
- Genaro R. Gojo Cruz
1. Anong larawang-diwa ang ipinakita ng tula?
a. pagsasama ng mag-asawa
b. kahirapan ng buhay
c. payak na buhay sa bukid
d. pagtitipid ng mga magsasaka
2. Iniingatan may lumusot na butil ng pawis sa awang ng mesang kawayan. Ang butil ng pawis ay nangangahulugan ng/na ________________________.
a. pagtiisan ang anumang pagkaing nasa hapag.
b. pagpapahalaga sa pagkaing nasa hapag dahil ito ay kanilang pinaghirapan.
c. pagiging kuntento sa kung anong meyroon.
d. pasasalamat sa biyayang tinanggap.
3. Anong saknong ang napapahayag ng positibong pananaw.
a. 1
b. 2
c. 3
d. 4
4. Alin sa mga saknong ng binasang tula ang nagpapahiwatig ng pagkakroon ng pag-asa ng mag-asawa?
a. 1
b. 2
c. 3
d. 4
Direksyon: Basahin ang sanaysay. Sagutin ang mga tanong.
Itanghal nga natin ang nasyonalismong Pilipino. Itambal ang diwang malaya, ang sipag sa paggawa at taimtim na pagmamahal sa mga likas at pinaunlad na pamana ng ating mga ninuno. Pagyamanin at pagmalasakitan silang palagi. At huwag limutin na sila ang susing ginto sa tunay na kalayaan at katubusan ng Pilipinas.
Ating tandaan, na sa sandaling ang Pilipinismo’y maging kalangkap ng ating buhay na pang-araw-araw, sa ating mga basar,groseri at pamilihan ay mamumuntik na ang mga produktong Pilipino at sila ang magiging gamit sa bahay-bahay; hindi na ang mga made in USA, made in Japan at made in Germany. At mangyari pa, mawawala na ang mga sawimpalad na kababayang namumulot sa mga basurahan upang makatawid sa gutom.
MATUTUHAN LAMANG NG PILIPINO SA SILA’Y MAGPAKA-PILIPINO.
- Pilipino: Susi ng Bayang Tagumpay
- ni Amado V. Hernandez
5. Ano ang paksa ng binasang sanaysay?
a. pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
b. pagmamalasakit sa pamana ng mga ninuno
c. pagtulong sa mga sawimpalad na Pilipino
d. pagiging makabayan
6. Batay sa binasang sanaysay; ano ang masasabing kalagayan ng lipunang Pilipino?
a. Pinagmamalasakitan ang mga ninuno na nakipaglaban upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas
b. Higit na pagtangkilik sa mga produktong banyaga kaysa mga produktong Pilipino
c. Pagkakaroon ng mahihirap na Pilipino na namumulot sa mga basurahan
d. Maraming Pilipino ang nagnanais na makapangibang-bansa
7. Ipinaliwanag ng sanaysay na kung ang Pilipinismo’y magiging kalangkap ng pang-araw-araw na b8uhay ng mga Pilipino, ____________________.
a. dadami ang mga produkto gawa ng mga Pilipino.
b. Mababawasan ang mga Pilipinong kumakalam ang sikmura.
c. Hindi na aangkat ng ga banyagang produkto sa ibang bansa.
d. Higit na makakamit ang pag-unlad sa buhay ng bawat Pilipino.
8. Ano ang itinuturo ng binasang sanaysay?
a. Pagtatanghal ng nasyonalismong Pilipino.
b. Itambal ang diwang malaya, ang sipag sa paggawa at taimtim na pagmamahal sa mga likas at pinaunlad na pamana ng ating mga ninuno.
c. Pagyamanin at pagmalasakitang palagi silang susing ginto sa tunay na kalayaan at katubusan ng Pilipinas.
d. Mawawala na ang mga sawimpalad na kababayang namumulot sa mga basurahan upang makatawid sa gutom.
Direksyon: Basahin ang bahagi ng kuwento. Sagutin ang mga tanong.
Kay Ama niya inihabilin ang paglilibing sa kanya. Dito sa Maynila, sinabi na naman niya. Mag-iisa akong malilibing dito, Tiyo Julio, ngunit gusto kong dito malibing.
“Magdasal ka,” payo ni Ama, “iyang hinanakit mo’y kalimutan mo na. masama iyang babaunin mo pa ang mga iyan.”
“Mahirap makalimutan, Tiyo Julio. Natatandaan ba ninyo noon, noong maliit ako? Noong hindi ko matagpuan ang libing ni Ama’t Ina? Wala akong mauuwian doon, Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako.”
Tumango ang maputing ulo ni Ama; pati siya’y ibig na ring maluha sa sinasabi ni Layo.
“Walang hindi umuuwi sa kanyang bayan. Mayroon nga riyan, namamatay sa Amerika, pagkatapos manirahan doon nang kay tagal, ngunit ang huling kahilingan ay ang malibing dito sa atin.”
“Maganda ang sinabi ninyo, Tiyo Julio.”
“Wala ngang hindi umuuwi sa atin, sa kanyang bayan, Layon. Ikaw man ay uuwi rin.”
Lahat ay umuuwi sa kanyang bayan, ibg ko ring sabihin kay Layo. Maaaring narito ka, ngunit ang iyong kaluluwa ay naglalakbay na pabalik doon. Maaaring naging mapait ang kabataan mo roon, ngunit huwag mong sabihing ikaw ay di babalik.
Ngayo’y hindi siya nakatingin sa akin, ni kay Ama, ni kay Ising. Nakatingin siya sa kisame. Nakaangat ang kanyang baba at tila mga mata ng isang bulag ang kanyang mga mata. Alam kong naglalakbay ang kanyang diwa; marahil, nalalaman ko kung saan naglalakbay iyon.
Gusto kong isipin ng ngayo’y naglalakbay ang kaluluwa ni Layo patungo sa aming bayan; gusto kong isipin na ngayo’y tila mga tuyong dahon nang malalaglag ang kanyang hinanakit: gusto kong isipin na sa paglalakbay ng kanyang kaluluwa, sa paglalakbay na iyong pabalik, ay nakatatagpo siya ng kapayapaan….
Nalagay sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Layo.
Ang sabi sa pahayagan ay ilalagak daw ang kanyang bangkay sa San Roque.
Ang kabaong ni Layo ay isinakay sa isang itim na kotse.
Mula sa Maynila, naglakbay iyon sa mga bayan-bayan
Tumitigil iyon sa mga bahay-pamahalaan. Nanaog ang nakaunipormeng tsuper at at ipinagbigay-alam ang pagdaraan.
Hapon na nang dumating iyon sa San Roque.
San San Roque, marami ang naghihintay na makikipaglibing kay Layo.
Naghihintay rin sa kanya ang lupa ng sariling bayan.
- Sa Lupa ng Sariling Bayan
- ni Rogelio R. Sikat
9. Ano ang maituturing na kasukdulan ng kuwentong binasa?
a. Pagsasabi ni Tiyo Julio na ang lahat umuuwi sa sariling bayan
b. Pag-uuwi ng bangkay ni Layo sa San Roque
c. Paghahabilin ni Layo na ilibing siya sa Maynila
d. Pagkikipaglibing ng mga taga-San Roque kay Layo
10. Ang suliranin ng kwento ay binibigyang-solusyon sa pamamagitan ng _______________.
a. pagpanaw ni Layo dahil sa kanyang karamdaman
b. pangangaral ni Tiyo Julio
c. pag-uuwi ng bangkay ni Layo sa San Roque, ang kanyang sariling bayan
d. paglalathala sa pahayaan ng ukol sa pagpanaw ni Layo
11. Ano ang ibig ipakahulugan ng wakas na ito: Naghihintay rin sa kanya ang lupa ng sariling bayan?
a. Lahat ay umuuwi sa kanyang bayan.
b. Tanggap pa rin siya ng mga taga- San Roque.
c. Pagkakaroon ng lubos na kapayapaan.
d. Pagkawala ng hinanakit ni Layo sa San Roque.
12. Mahirap makalimutan, Tiyo Julio. Natatandaan ba ninyo noon, noong maliit ako? Noong hindi ko matagpuan ang libing ni Ama’t Ina? Wala akong mauuwian doon, Tiyo Julio. Mag-iisa rin ako.Mababakas kay Layo sa mga pahayag niyang ito?
a. hinanakit
b. kalungkutan
c. pangungulila sa mga magulang
d. pagtatampo
13. Anong katotohanan ng buhay ang mababakas sa binasang kuwento?
a. Ang mga sugat ay napaghihilom ng panahon
b. Ang pakikiramay ay bahagi ng pakikipagkapwa.
c. Lahat ay naghahangad ng isang maayos na libing.
d. Walang hindi umuuwi sa sariling bayan.
Direksyon: Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong.
Opener ako kinabukasan. Mas gusto kong maging opener, kakaunti lag kasi ang kumakain. Karamihan mga nag-oopisina at lagi pang take out. Lagi silang mga nagmamadali. Kapag konti ang kumakain, konti ang aking lilinisin.
Pero sa kawnter ako napunta. Kahit takot akong humawak ng pera, kailangan kong matutuhan ang lahat ng bahagi ng operasyon. Ingat na ingat ako sa pagsusukli dahil kapag nagkulang ang aking benta, kaltas sa sahod ko.
Habang napupuno ng pera ang lalagyan ng benta at wala namang bumibili iniisp ko ang una kong sasahurin. Mamaya, pag-out ko, tiyak na may laman na ang ATM ko.
“Siguro konti para sa mga delata’t sabog paigo at panlaba, bayad kay Nanay at yung mattira, baon at pamasahe ko,” pagkukwenta ko.
Pagkatapos ng anim na oras,ini-remit¬ ko ang benta kay Ma’am Sarri. Naglog-out ako at kumain. Minadali ko ang pagkain sabik na akong makuha ang aking sahod.
Pinuntahan ko ang bangkong tumatanggap ng ATM ko. Pumasok ako at ipinasok sa machine ang kard at agad kng pnindot ang PIN na galing sa pangalan ni Nanay. Habang hinihintay ko ang lalabas sa screen, may pumasok. Sa tunog ng kanyang sapatos sa sahig, atsa suot niyang long-sleeve,at kurbata halatang nag-oopisina siya. May dalawang machine sa lob. Yung isa ang ginamit niya. Tumunog ang machine na ginamit ko.
“Pambihira! Wala pa!” dinig ko sa mamang de-opisina.
Naisip ko, nagiging mabangis pala ang tao kapag nade-delay ang sahod. Siguro tulad ko, malak rin angpangangailangan niya may utang din siyang dapat bayaran.
Gusto kong pagsisispain ang machine dahil wala pa rin ang sahod ko. Lumabas na ako’t sumakay ng dyip papuntang Quiapo na daaan sa eskwelahang pinapasukan ko.
Pagkatapos ng klase ko, pumuta uli ako sa bangkong pinuntahan ko kanina. Ipinasok ko angATM kard ko at pinindot ang PIN. Parang nag-iisip ang machine. At ilang sandali pa, namilog ang aking mata sa aking nakita.
“Sa wakas!”
Nanginginig kong kinuha ang dadaaning sahod ko. Kay sarap tanggapin ang perang pinagpaguran. Di ko na binilang dahil alam kong di ito maaaring magkulang. Matatalino ang mga machine na ‘to. Maggo-groseri ako. Pero di pa ‘ko nakakalayo sa bangko, ay may biglang umakbay sa akin.
“akina! Bilisan mo!” ang mahina ngunit madiin niyang iniutos sa akin
Mahigpit ang pagkakaakbay niya sa ‘kin. Iginawi niya ako sa madilim na lugar palihs ng Taft Avenue. At saka niya ako tinutukan ng patalim. Di na ‘ko nakapalag.
‘Nung ibinibigay ko ang unang sahod ko,parang ibinibigay kong buung-buo ang sarili ko. Habang papalayo ang holdaper lubusan ko siyang nakilala. Siya ‘yung pumasok kanina sa loob, ‘yung mukhang de-opisina.
Sa pag-uwi ko, naalala ko si Nanay. Di ko pa siya mababayaran ngayon. At kailanagn ko uling magkaroon ng dagdag na lakas ng loob upang muling mangutang.
- McDonaldisasyon
- Gerano R. Gojo Cruz
14. Alin sa sumusunod na pangyayari ang kasukdulan ng kuwentong binasa?
a. Nang ibinibigay niya sa holdaper ang kanyang unang sahod.
b. Nang makuha na niya ang pinakaaasam na sahod na ATM.
c. Nang umuwi na siya at maalala ang kanyang Nanay.
d. Nang may umakbay sa kanyang holdaper at igawi siya sa madilim na lugar.
15. Sa pag-uwi ko, naalala ko si Nanay.Di ko pa siya mababayaran ngayon. At kailanagn ko uling magkaroon ng dagdag na lakas ng loob upang muling mangutang. Ano ang tawag sa bahaging ito ng kuwento kung saan binibigyang solusyon ang suliranin?
a. wakas
b. kasukdulan
c. kakalasan
d. suliranin
16. ano ang ipinahihiwaig ng wakas ng kuwento?
a. May mga taong maaaring mutangan sa oras ng gagipitan.
b. Patuloy na pagkakaroon ng pag-asa sa buhay.
c. Anuman ang suliraning maranasan, tuloy pa rin ang buhay.
d. Walang magulang ang makatitiis sa kanyang anak.
17. Kasabay kong lumuha ng dilim ang buwan. Nagdidilim ang sip ko. Gusto kong biglang mawala na lang. Anong damdamin ang mababakas sa pangunahing tauhan sa bahaging ito ng kuwento?
a. matinding kabiguan
b. panghihinayang
c. paghahanap ng katarungan
d. kawalan ng pag-asa
18. Anong katotohanan ng buhay ang mababakas sa binasang kuwento?
a. May mga pagsubok sa buhay na kailanagan harapin.
b. Di nakakamit ng mahihirap ang katarungan.
c. May mga taong kumakapit sa patalim kapag nagigipit.
d. Talamak ang karahasan sa isang lipunang dumaranas ng kahirapan
Nang makitang walang-kibo ang maysakit, nabuhos ang loob ni Padre Florentino sa isang sulianin at naibulong : “Nasaan ang kabatang dapat alay ng kaniyang kasariwaan, ng kaniyang mga panaginip at sigasig ukol sa kabuthan ng kaniyang Inang Bayan? Nasaan siya na dapat kusang-loob na mabuhos ng kaniyang dugo upang mahugasan ang napakaraming kahihiyan, ang napakaraming pagkakasala, ang napakaraming kasuklam-suklam?Dalisay at walang batik dapat ang alay upang tanggapin ang paghahandog!....Nasaan kayo, mga kabataan, na magsasakatauhan sa sigla ng buhay na tumakas sa aming mga ugat, sa kadalisayan ng pag-iisip na nabulok sa aming ga utak, sa apoy ng sigasig na napugto sa aming mga puso? Hinihintay namin kayo, O mga kabataan! Halikayo, sapagkat hinihintay namin kayo!”
At dahil narandaman niyang namamasa ang kaniyang mga mata, binitawan niya ang kamay ng maysakit, tumindig, at lumapit sa bintana upang masdan ang malawak na karagatan.
- El Filibusterismo
- Jose Rizal
- Salin ni Virgilio S. Almario
19. Sino ang sinisimbolo ni Padre Florentino sa kasalukuyang panahon?
a. mga gurong nagtuturo ng kasaysayan
b. matandang nawalan ng pag-asa
c. pangulo ng Pilipinas
d. mga Pilipinong hangad ay pagbabago
20. Ang maysakit sa binasang bahagi ng El Filibusterismo ay sumisimbolo sa _____________________________.
a. Mga Pilipinong nawalan ng Pag-asa.
b. Sakit ng lipunang Pilipino.
c. bigong paghihimagsik ng mga bayani
d. mga Pilpinong nagbuwis ng buhay
21. Alin sa sumusunod na teorya ang mababakas sa binasang bahagi ng El Filibusterismo?
a. Humanismo
b. Eksistensyalismo
c. Realismo
d. Romantesismo
Direksyon: Tukuyin ang simbolo ng lupa sa sumusunod na saknong ng tula.
Di na ako yaong na bahagi ng daigdig,
Kundi lupang nalinang na ng kalabaw at ng bisig;
Ang datihang pagka-gubat ay hinawan at nalinis.
- Lope K. Santos, Ako’y si Bukid
22. Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa ______________________.
a. kabataan
b. kasaganaan
c. kabuhayan
d. bayan
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
- Andres Bonifacio, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
23. Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa _______________________.
a. kabataan
b. kasaganaan
c. kabuhayan
d. bayan
Nakayapak, mahilig tayong tumahal sa lupa.
Lupang mahalumigmig, malambot, marangya.
- Lamberto E. Antonio, Lupa
24. Ang lupa sa tula ay sumisimbolo sa _______________________.
a. kabataan
b. kasaganaan
c. kabuhayan
d. bayan
25. Noong sumiklab ang Ikalawang Digmaan Pangdaigdig, sumapi si Ka Amado sa mga gerilya bilang Intelligence Officer. Pagkatapos ng giyera, nagsimula ang kanyang pagkilos bilang lider- manggagawa.
Anong uri ng panandang diskurso ang mga nakahilig na salita?
a. komparison at kontras
b. numerasyon
c. order o pagkakasunod-sunod
d. sanhi at bunga
26. Di na naituturo nang maayos ang mga asignaturang tulad ng Araling Panlipunan ay babawasan pa ang oras ng pagtuturo nito. Kung kaya di nakapagtataka na ang mga istudyante ay nagiging positibo sa mga usapin sa eskwela at sa lipunan.
Anong uri ng panandang diskurso ang mga nakahilig na salita?
a. Komparison at kontras
b. Enumerasyon
c. order o pagkakasunod-sunod
d. sanhi at bunga